^

Punto Mo

Pirma ni Doktora, pineke ng oportunista!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DOROBO, sindikato, berdugo o kahit sino pang talpulano! Lahat sila walang binatbat sa Bitag-Kilos Pronto. Marami na kaming nasampolan at lahat sila tumino. Pero sa kabila nito, marami pa ring malalakas ang loob na manloko at manggantso.

Tulad ng problemang inilapit sa amin ng isang doktora mula sa Lipa, Batangas. Mahigit 10 taong nagsunog ng kilay sa pag-aaral at nagpaka-dalubhasa ang doktora. Nagpakahirap at nagsikap para lang makapagtapos ng medisina. Pero ang kanyang inalagaang pangalan, masisira dahil sa isang katarantaduhang hindi siya ang gumawa.

Reklamo ni Dra. Drolah Sanchez, may kung sino raw na gumagaya ng kanyang pirma. Ginagamit ang kanyang pangalan sa isang pekendos na medical certificate. Malala nito, ginawa nang hanapbuhay ni gago ang kalokohang ito.

Agad nagkasa ang aming grupo ng field investigation para mahulog sa BITAG ang putok sa buho. Isang asset ang nakipagtulungan sa amin para matunton ang dorobo. Siya raw mismo nakapagpagawa ng fake medical certificate noong siya’y mag-absent sa trabaho.

Nilubugan namin ang itinuturong lungga ng oportunistang ito. Sa aming surveillance video, nakuhanan ang pagsalubong ng isang nagpakilalang Garett na siya umanong pumepeke ng mga dokumento. Maya-maya pa, sapol sa video ang paggaya niya ng pirma ni Doktora!

Si Doktora di na nakapagpigil pa, agad sumugod at kinumpronta ang oportunista. Pero imbes na humingi ng tawad at pasensiya, nagpapalusot pa! Binigyan lang daw siya ng kopya at hindi niya alam kung sino ang gumawa. Pero kahit anong tanggi pa, sa presinto pa rin ang diretso niya.

Sa ilalim ng Article 171 in relation to Article 172 of the Revised Penal Code, ang sinumang indibidwal na pumeke ng dokumento at pirma ay maaring hatulan ng hindi bababa sa 2 taon, 4 na buwan at 1 araw hanggang anim na taong pagkakakulong. Kaya kung guilty ka sa gawaing ito, simulan mo nang magbago!

Lubos naman na nagpasalamat ang doktora matapos matuldukan ang ginawang kalokohan ng hijo-de-cabron na si Garett sa kanya. Sa wakas, nalinis na ang kanyang pangalan at di na magagamit ng mga kawatan.

Ganito kami sa BITAG-Kilos Pronto, aksyon ora mismo! May accomplishment at hindi puro satsat sa mikropono. Mayroon din kaming originality at hindi namin ugaling magnakaw tulad ng iba diyan. Batu-bato sa langit ang tamaan, sila na ‘yun! (Excuse me po!)

vuukle comment

BITAG-KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with