^

Punto Mo

Sebo sa dugo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAHIRAP sa tao ‘yung naniniwala lang sa sabi-sabi. Minsan, isang kamag-anak  ang bumati sa gamot na iniinom ng aking ina na pampababa ng bad cholesterol.

“Ingat ka sa pag-inom niyan. Kapag nasobrahan ay nakakalabnaw ‘yan ng dugo”

Tinandaan iyon ng aking ina. Kaya kahit walang instruction ng kanyang doktor ay itinigil niya ang pag-inom ng nasabing gamot. Okey na raw ang kanyang blood pressure plus hindi siya kumakain ng karne at pagkaing mamantika. Pagkaraan ng ilang buwan, nagsimula nang tumaas ang kanyang blood pressure. Ang ending ay pinangaralan siya ng kanyang doktor.

Ang aking ina ay mula sa lahi ng may alta presyon at sakit sa puso. Namamana pala ang pagkakaroon ng high level ng lipoprotein sa dugo  kahit hindi ka mahilig sa fatty foods. Ang lipoprotein ay mga sebo na kapag naipon ay humaharang sa arteries na dinadaluyan ng dugo at nagiging sanhi ng atake sa puso.

Marami ang na-shocked nang kumalat ang balita na si Bob Harper ay muntik nang mamatay noong nakaraang February 2017 pagkatapos atakihin sa puso. Nagulat ang mga tao dahil si Bob Harper ay American fitness guru at host ng Biggest Loser. Kung ang pagbabasehan ay ang kanyang healthy living — regular na nag-eehersisyo,  napapanatili niya ang tamang timbang, isa siyang vegetarian—siya ang may pinakamaliit na tsansa na magkasakit sa puso. Pero inatake pa rin sa puso dahil siya ay ipinanganak na may high level of lipoprotein.

Ang kanyang ina at lolo ay sakit sa puso ang ikinamatay. Kaya ang payo ng mga doktor, i-monitor lagi ang cholesterol kung ang mga magulang mo ay may alta presyon at inatake sa puso sa edad na 45.

vuukle comment

SEBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with