^

Punto Mo

DPWH, kalampagin sa road projects

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat talagang magbigay ng malinaw na paliwanag ang DPWH patungkol sa kanilang mga isinasagawa o gagawin pang road projects.

Marami na talaga ang nakakapansin na mukhang naglolokohan sa ilang mga proyekto, kung bakit aba’y san ka naman nakakita na ang buo ay sinisira at yung mga sira, yon ang hin­di ginagawa.

Dapat silang magpaliwanag sa taumbayan kung ano ba ang ginagawa nilang evaluation o pag-aaral para masabi na dapat gawin ang ganitong proyekto.

Naiinspeksyon ba nilang maigi ang lugar?

Baka namang bakbak nang bakbak lang ang alam tutal may pondong nakalaan.

Mistulang naglolokohan, at talagang nakakapag-init ng init ng ulo.

Eto ha, uulitin ng Responde , marami ang road repairs/ projects hindi lang sa Quezon City, milyun-milyon ang pondong inilalaaan dito ng DPWH. Makikita naman kasi sa kanilang mga karatula, hindi biro ang halaga.

Pero ang masaklap dito, marami ang nagtataka kung paano raw ba binibigyang prayoridad ng naturang ahensya ang kanilang mga ginagawang proyekto.

May nakakapansin kasi na mukhang ang mga lugar na ginagawa ay yun at yun din at hindi nabibigyan ng kaukulang pansin kung anong lugar o kalsada ba ang talagang nangangailangan na maisaayos o maitaas man lang o mapaganda ang drainage system dahil laging binabaha.

Matagal na ang problema sa baha sa Ilang-ilang St. sa boundary ng Brgy. Immaculate at Mariana.

Ang masaklap dito, lahat ng tubig na galing sa itaas ay dito ang bagsak.

Ang street na ito ay hindi man lang napapansin na gawin ng mga kinauukulan kaya nga ngayon ay pinananawagan na ng mga residente, Special Assistant to the President Bong Go na maatasan ang DPWH na masilip ito.

Matagal na itong idinadaing ng mga residente maging si engineers office ng Quezon City hall pero mistulang nagbibingibingihan ang mga ito habang makikitang ang daming proyekto sa paligid nito na kahit anong lakas ng uylan eh hindi na babahain dahil mataas na ang lugar.

Sa mga side street sa may E. Rodriqguez Sr., halos lahat dyan ay nagawa na, iyan na lang (Ilang-ilang St) yata ang naiiwan ay hindi nabibigyan ng pansin.

Habang ang nasa matataas ng lugar ay siya pang binibigyang prayoridad sa paggawa.

Masaklap isipin na pondo ng bayan ang ginagastos sa ganitong mga proyekto, pero mukhang meron pa ring palakasan.

Pati ba naman sa pagsasaayos sa mga kalsada palakasan pa rin ang umiiral?

Dapat mabusisi nang husto ang ganitong mga proyekto bukod sa nalulustay madalas ang pera ng bayan , nagkakalohan pa dahil sa ilan lang ang napapagbigyan.

vuukle comment

ROAD PROJECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with