^

Punto Mo

Aberya sa NAIA runway

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

LIBONG pasahero ang stranded sa NAIA matapos sumadsad at bumalandra sa putikan ang isang eroplano ng Xiamen Airlines sa runway 06/24 kaya ang paliparan ay isinara yesterday.

Nahuling bigyan ng advisory ng mga airline companies ang mga pasahero nilang aalis nang maaga palang sa NAIA kaya naman nanggagalaiti sa galit ang karamihan matapos sabihin sa kanila sa airport na isinara ang runway kaya walang aalis o darating na aircraft.

Sabi nga walang pinili, mapa-international o domestic hindi nakalipad o nakalapag ang mga eroplano dahil nga sa naging aberya sa runway.

Ang iba ay diverted sa Mactan International Airport at Clark.

Ligtas naman ang lahat ng pasahero na sakay ng Xiamen Airlines.

‘Hard landing ang eroplano sa runway 06/24.’ 

Wala pang proper advise kung anong oras bubuksan ang airport.

• • • • • •                                                                                                   

Sindikato hindi lulusot sa BI -- NAIA

Hindi pinayagang makaalis ng Philippines my Philippines ang limang bebot na nagkunwaring may mga edad para magtrabaho sa Saudi Arabia.

Pinagdudahan sila ng Immigration - Travel Control Enforcement Unit kaya katakot-takot na tanungan blues at pagbusisi sa mga dokumento nila.

Ikinuento ni Danieve Binsol, terminal head ng BI - Terminal 2 TCEU, matapos siyang magbigay ng report kina BI Commissioner Jaime Morente at Associate Commissioner and con-current port operation division chief Red Marinas,  na kapansin-pansin ang mga kinikilos nila dahil silang lima ay pawang balisa habang naka-pila sa immigration counter for exit clearance.

Tinanong nila Binsol ang mga ito kung ilan taon na sila.

‘Hindi sila nagsasalita basta inaabot lang sa akin ang kanilang travel documents.’ sabi ni Binsol.

Sa ginawang tanungan blues ay litong-lito ang limang mga pasahero pero hindi nila inaamin na mga bata sila at ang itinuturo ay ang mga edad nila sa passports.

Ayon kay Binsol, duda sila na pakana ng mga sindikato ang istilo na ginamit sa lima kaya naman pinakukunan namin sila ng dental examination for age assessment.

Kambiyo issue, isang joint operation naman ang ginagawa ng mga authorities sa request ni Binsol para hanapin sa CCTV monitor ang pangloloko na ginawa sa dalawang Chinese nationals na dumating sa NAIA the other day.

Sabi ni Binsol, hinarang diumano ng isang ‘John Doe’ ang dalawang arriving Chinese passenger ilang metro ang layo sa immigration counter para tignan ang dala nitong immigration arrival card .

Ibinigay ng dalawang pobreng alindahaw sa John Doe ang kanilang arrival card at sinabihan na mali-mali ang kanilang ginawa at baka sila ma-deport sa China dahil hindi sila papapasukin ng BI sa katangahang ginawa nila.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ang ginawa ni John Doe sa dalawang pasahero ay hiningan ng pera pero inakyat sila sa departure area ng NAIA T2 para roon muna itago dahil wala nang pasahero sa arrival area ng mga oras na iyon at mabubuko ng immigration ang style na ginawa ng kamote.

Ikinuento ni Binsol, nakita nila ang dalawang Chinese nationals sa departure area nagtaka ito dahil nakita niya ito sa arrival area kaya naman nagduda ito at pinaimbestigahan sa kanyang mga kasamahan.

‘Nagsalita ang mga Chinese sa pamamagitan ng aming interpreter at ikinuento kung ano ang nangyari. Hindi rin maituro ng mga pasahero ang John Doe sa rami raw ng mga tao sa arrival area. Walang problema ang kanilang travel documents gumawa lang ng istilo ang extortionist sa mga ito.’ sabi ni Binsol.

Ayon kay Binsol, pinaghahanap nila ang kamote para panagutin sa kanyang mga ginawa samantala ang dalawang pasahero ay pinapasok nila ng bansa dahil wala naman silang kasalanan at kumpleto dokumento. Abangan.

vuukle comment

NAIA RUNWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with