^

Punto Mo

Iba’t ibang polisiya sa EDSA , tila ’di umuubra!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Magkakaalaman ngayong araw na ito kung may mababago ba kahit bahagya sa matinding trapik na halos araw-araw ay nararanasan at kalbaryo ng mga motorista na dumadaan sa kahabaan ng EDSA.

Ngayong araw na ito pormal na ipapatupad ang pagbabawal sa mga provincial bus na pumasok sa EDSA tuwing rush hour.

Kasabay nito, magsasagawa na rin ng dry-run sa pagbabawal naman sa mga pribadong behikulo na driver lamang ang sakay sa buong kahabaan ng EDSA tuwing rush hours.

Marami-raming tututukan ang MMDA dito kung saan dapat na maramdaman ngayon pa lang kung magiging epektibo ba ang mga bagong polisiyang ito.

Sakop ng rush hour mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

Sa mga provincial bus na mahuhuling lalabag, pagmumutahin ang mga ito ng P2,000.

Wait and see tayo kung magiging epektibo ang ganitong mga bagong polisiya na sana kahit nga bahagya ay makatulong para makabawas sa trapik.

Pero sa ngayon, kung saan talagang kalbaryo araw-araw ang pagdaan sa EDSA, dahil na rin marahil sa hindi pa rin tuluyang masawata ng mga kinauukulan ang maraming mga pasaway lalu  na nga sa mga pampasaherong bus.

Talagang maraming pasaway sa mga ito, na kung bumalandra sa kung saan-saan na siyang nagpapaudlot sa mabilis na daloy ng trapiko.

Hindi pa rin mahigpit na naipapatupad ang tamang babaan at sakayan ng mga pasahero.

May yellow lane na kailangan pa talagang kumabig pakaliwa para maunahan ang nasa harapan niyang kapwa bus , kahit lumabas na sa kanilang lane o kung di man mula sa labas biglang kabig papasok. Gulangan ang nangyayari, nagmamadaliang makarami.

Ibat-ibang polisiya na ang ineeksperimento sa lansangang ito, pero mukhang hindi masyadong nagiging epektibo o marahil eh talagang sangkaterba na ang sasakyang bumibiyahe sa Pinas.

Kaya nga habang umiisip ng paraan para maibsan ang trapik sa EDSA, eh kailangan na ring isabay dito ang pagpapaunlad sa mga mass system na baka ito ang maging sagot sa matinding trapik.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with