Tutulog-tulog na Brgys., Officials binalaan ng DILG
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - August 10, 2018 - 12:00am

Kapansin-pansin na maging ang mga lumalabag sa mga ordinansa sa mga lungsod o pamahalaang lokal ay mga pulis ang siyang nanghuhuli o nag-ooperate na dapat ito ay trabaho ng mga barangay officials.

Matagal nang batas sa ilalim ng DILG ang dapat ay  pagrereport ng barangay sa mga nahuhuling lumalabag sa  ordinansa pero sa mga nakaraan ay walang ginagawa  ang mga barangay at halos nakadepende na ngayon sa mga pulis. Pati ang paghuli sa mga half naked, curfew sa minors, anti smoking at iba pang mga paglabag sa mga ordinansa.

Kasi mistulang walang pakialam ang marami sa mga ito dahil  nga ang kanilang huhulihin kung hindi kakilala eh mga kaanak.

Ngayon nagbabala na mismo ang Pangulo na sususpindihin ang mga local executives lalu na ang mga barangay captain na hindi i-aaksiyon o hindi magsusumite ng kanilang mga report  sa mga lumalabag sa  ordinansa,

Kapansn pansin na ang PNP na mismo ang nag-ooperate at nag uulat sa media sa isinasagawang paghuli sa mga lumalabag sa  ordinansa, Araw araw ang paghui sa iba’t ibang violations  gayong ang barangay ang siyang dapat eh unang nagsasagawa nito.. Opo huwag nating asahan lagi ang kapulisan ang gagawa ng paghuli sa mga violators dahil sa barangay level ang gawaing ito.

Maraming mga opisyal ng barangay ang masasabing hindi umaaksyon sa mga sumbong, walang pakialam, madalas pa nga sila ang nangungunsinti sa mga lumalabag sa kanilang lugar. May pagkakataon na sila pa ang pasimuno o promotor sa paglabag na sinusundan ng kanilang mga kalugar.

Ilang barangay hall na nga ba ang giniba ng MMDA dahil tinayo sa bangketa. Ang siste pagkatapo ng barangay hall sunud-sunod nang nagsusulputan ang mga itinatayong obstruction, siyemore hindi masasaway ng barangay officials dahil siya mismo ang pasimuno

Kaya kadalasan sa clearing operation ng MMDA ay wala na ang mga illegal vendors at mga lugar nila dahl nagkakaroon ng early notice ang mga ito bago magsagawa ng clearing., O di kayay nakakatimbre ang ilang tauhan dito at ititimbre siyempre sa kanilang kakilala o kaanak.

Ang nakakatakot pa dito ay sa maliit nagsisimula ang malaking isyu partikular ang droga na pangunahing kampaniya ng pamahalaan.Maraming krimen ang nag uugat sa illegal na droga,

Sabi nga ni Usec Martin Dino na siyang hepe ng barangay affairs ng DILG  sisimulan kaagad nila ang pagsususpindi sa mga local executives sa hindi pagrereport  sa mga lumalabag   sa kani kanilang ordinansa.Ang mga barangay officials kasama dito lalu na yung nagbibingibingihan sa mga sumbong sa kanilang nasasakupan.

Hindi pa rin tayo nawawalan ng pag asa sa sinasabi nila ang kailangan ay political will . Patuloy po nating rerespondehan ang isyung ito.

BARANGAY OFFICIALS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with