^

Sa sobrang init sa Europa, kahit aspalto sa kalsada natutunaw na

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 9, 2018 - 12:00am

SA tindi ng nararanasang heatwave ngayon ay kahit ang mga kalsada roon ay nawawasak na.

Ito ang nangyari sa Netherlands, kung saan may mga bahagi ng highway ang isinara ng mga awtoridad matapos matunaw ang aspalto ng mga ito dahil sa napakataas na temperatura.

Bilang pag-iingat ay ipinag-utos na rin ng mga kinauukulan na putulin na ang mga sanga ng puno roon upang maiwasan ang aksidente kung sakaling malanta at maputol ang mga ito mula sa matinding init.

Pati ang mga hayop ay hindi rin nakaligtas mula sa epekto ng heatwave.

Sinuotan na ng sapatos ng mga pulis sa Vienna, Austria ang kanilang mga K9 units na kasama nilang nagpapatrolya.

Kahit hindi ganoon kainit ang panahon sa Austria kung ikukumpara sa mga kalapit nitong bansa ay makakapinsala pa rin sa mga paa ng mga aso ang maghapong paglalakad sa kalsada na maaring umabot sa 50 degrees Celsius ang init matapos mabilad sa araw.

Ilan na ang napapabalitang namatay mula sa heatstroke ng dulot ng matinding init sa buong Europa na umaabot na sa 46 degrees Celsius.

HEATWAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with