Pacquiao lalaban sa December 2
MANILA, Philippines — Disyembre 2 ang pagbabalik-aksiyon ni reigning WBA welterweight champion Manny Pacquiao.
Kinumpirma ito ni Lance Pugmire ng Los Angeles Times sa kaniyang Twitter account matapos makausap si Pacquiao sa isang long distance call.
Aniya, mismong si eight-division world boxing champion na ang nagbi-gay ng eksaktong petsa ngunit wala pang linaw kung sino ang makakaharap nito.
“Got a text from @mannypacquiao last night telling me he’s looking to fight Dec. 2, but doesn’t have an opponent yet,” sabi ni Pugmire.
Wala na sa listahan sina undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. at WBC at IBF lightweight champion Mikey Garcia na nauna nang nagpahayag na walang balak ang dalawa na makalaban si Pacquiao.
Malabo na rin si WBA lightweight champion Vasyl Lomachenko na nakatakdang harapin si WBO lightweight titlist Raymundo Beltran sa Disyembre 1 sa isang unification bout.
Kaya’t kaliwa’t kanan na naman ang lumulutang na pangalan kabilang na si WBA at IBF light welterweight champ Amir Khan na siya mismong nag-anunsiyo na nais nitong makaharap ang Pambansang Kamao.
Kabilang din si Australian Jeff Horn na tumalo kay Pacquiao via unanimous decision noong nakaraang taon sa Brisbane, Australia gayundin si Top Rank fighter WBO welterweight titlist Te-rence Crawford.
Galing si Pacquiao sa impresibong seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina para makopo ang WBA welterweight belt noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
- Latest