^

Punto Mo

Death penalty dapat na nga bang ibalik?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mainit na naman ang usapin patungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Isinusulong ng Malacañang na mapanumbalik ang death pe-nalty kahit pa nga tutol dito ang Simbahang Katolika partikular si Pope Francis.

Ngayon nga ay nasa kamay na ng Senado ang desisyon kung maibabalik ba ito, partikular sa mga drug related cases at mga karumal-dumal na krimen matapos na pumasa na ito sa Kamara.

Sa ngayon hati ang pananaw ng mga senador ukol dito, partikular na tumututol ang oposisyon, pero sa mga kaalyado ng administrasyon partikular si Senator Manny Pacquiao, tiniyak nitong maipapasa ito ng Senado.

Matagal na ang mga pagtatalo ukol dito, ayon nga sa mga pumapabor ay dapat na umanong maibalik ang parusang bitay dahil na rin sa mga matitindi nang krimen na nagaganap karamihan may kinalaman sa ilegal na droga.

Tila umano wala nang kinatatakutan ang ilan..

Sa parte naman ng mga tutol dito, hindi ito sagot para mapigilan ang nagaganap na krimen.

Mas dapat umanong unahin na maisaayos ang justice system sa bansa .

Ang paglilitis ng mga kaso, maraming taon ang binibilang bago madesisyon na ito muna ang dapat na unahin kaysa sa pagdebatehan sa kasalukuyan ang parusang kamatayan.

Sa tagal umano nang paglilitis sa isang akusado, ilang taon na silang nagsilbi sa kulungan at sa ilang pangyayari ang iba ay napapawalang sala. Pero komo nga matagal ang desisyon naubos na ang kanilang panahon sa loob ng kulungan at saka lang mababatid na hindi sila nagkasala.

Sa ilan naman na pabor, mistulang ang Pilipinas kung mapapansin na walang death penalty ang madalas na makapagtala ng mga karumal-dumal na krimen.

Maituturing na  ‘deterrent’ ang parusang bitay para kung di man tuluyang masawata ay mabawasan man lang ang matitinding krimeng nagaganap.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with