^

Punto Mo

Pulbusin na ang Sayyaf!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi ang naganap na pagpapasabog sa isang checkpoint sa Lamitan, Basilan noong nakaraang Martes kung saan 10 ang nasawi habang siyam pa ang nasugatan.

Ayon sa ilang report suicide bombing ang insidente na maituturing na kauna-unahan sa Pinas.

Karga ang sumabog na mga bomba sa isang van na kasalukuyang iniinspeksyon sa isang checkpoint nang sumambulat ito.

Kinabukasan inako ng ISIS na may kinalaman sila sa pagpapasabog.

Kahapon isa ang sinasabing nadakip na may kinalaman sa ma-dugong insidente, si Ustadz Jainul Malialim, alyas Abdulgani, 58.

Sa paunang pagsisiyasat, lumalabas na ang pagpapasabog ay gawa ng grupong Abu Sayyaf at maaari ring extortion ang motibo.

Pero sa ilan naniniwala na maging ano man ang motibo eh mukhang nagpapapansin na naman ang teroristang grupong ito na medyo nananahimik matapos ma-nuetralize ang ilan nilang mga lider. Nagpaparamdam ika nga para isiping malakas pa sila at ngayon nga ay nagsasalbahe na naman.

Sana nga kung paano ang ginawang palpulbos ng gobyerno sa Maute na kumubkob sa Marawi, dapat na sigurong pulbusin nang tuluyan ang ASG.

Kahit operan pa ang mga ito ng kung anu-ano ng gobyerno para lamang magbaba ng armas o magbalik –loob sa pamahalaan, eh mukhang malabo ito.

Matagal na panahon na ring namayagpag sa paggawa ng karahasan ang grupong ito.

Matagal na panahon na inilagay ng mga ito sa kahihiyan ang bansa dahil sa ginawang pa-ngingidnap at pamumugot sa mga dayuhan.

Ito ang malinaw na wala sa bokabularyo nila ang kapayapaan kundi mas gusto ang karahasan kaya kailangan nang matuldukan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with