^

Punto Mo

Happy Anniversary INC!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Una po sa lahat ay nais ko pong batiin kasama ng buo kong sambahayan ang lahat ng kapatid sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa buong mundo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagsapit ng Iglesia sa ika-104 taong pagkatatag na nagsimula sa Pilipinas at ika-50 taon naman sa ibayong dagat.

Maligayang anibersaryo po sa ating lahat.

Maraming Salamat, sa Ama ang lahat ng Kapurihan.


* * * *

Tandem criminals, umaariba na naman!

Limang mga riding in tandem na holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City police.

Ito yung mga dumadale sa ilang establisimento sa lungsod kaya malaking accomplishment ito sa kapulisan.

Mistula kasing sa mga nakalipas na araw ay umaariba na naman ang mga riding-in-tandem na kriminal/kawatan.

Halos araw-araw ang iba’t ibang pag-atake na ginagawa ng mga ito, partikular na ang panghoholdap.

Wala na talagang pinipiling oras.

Yun nga lang ang hirap,  kahit pa matumbok ng mga nakakalat na CCTV ang pag-atake, eh paano nga naman makikilala ang mga ito, may panangga sa mukha, kundi di naka-helmet, naka-bonnet.

Ang dalang mga motorsiklo, walang plaka, yung iba naman ang nakalagay ‘for registration’.

Eto ha, may ilang establishment partikular  mga restaurant sa Quezon City, na bagamat bukas pero ngayon ang ilan nagla-lock ng kanilang pintuan.

Ang kostumer kakatok bago makapasok.

Alam ba ninyo kung bakit dahil sa takot sa mga tandem na sumasalakay sa mga establisimento na pati nga mga kostumer kinukulimbatan ng mga kagamitan.

Kahit pa sabihin na may guwardiya ang mga ito, talagang malalakas ang loob ng mga kawatan,

Ilang resto na rin ang sinalakay ng mga tandem criminal hindi lang sa QC kundi maging sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

Dapat pang matutukan ito nang husto, wag tantanan ang mga riding in tandem na criminals.

Maghigpit na rin marahil sa mga walang plakang motorsiklo na madalas ngang gamit ng maraming kawatan.

Palakasin pa ang police visibility dahil dito ay pwedeng magdalawang isip ang mga kawatan sa plano nilang pagsalakay.

vuukle comment

IGLESIA NI CRISTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with