War on drugs nanguna pa rin sa SONA
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - July 25, 2018 - 12:00am

Nangunguna pa rin sa isinagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Digong ang tungkol sa giyera sa ilegal na droga.

Madiin ang pahayag ng Pangulo, tuloy at mas lalong patitindihan ang war on drugs ng administrasyon.

Patuloy man siyang batikusin ng kanyang mga kritiko ay di siya matitinag sa laban ukol dito.

Kung tutuusin hindi naman natigil ang giyera laban sa ilegal na droga, dahil na rin sa sunud-sunod na operasyon na isinagawa ng PNP.

Pero di tulad sa mga nagdaang operasyon, karamihan ay pag-aresto ang nangyayari sa ngayon at kung may ilan daw na napatay sa drug operation ay dahil sa nanlaban ang ito.

Milyun-milyong halaga rin ng illegal na droga ang nasasamsam sa mga nakaraang malala­king operasyon ng pulisya partikular sa Metro Manila.

Paano mo nga naman ito titigilan ang paglaban sa ilegal na droga, gayong masasabing laganap pa rin ito sa kasalukuyan.

Marami naman talaga ang pabor sa paglaban sa illegal drugs. yun nga lang nais nila eh ‘wag ng maging madugo pa ito.

Dapat ding matumbok at mas paigtingin ang operasyon laban sa mga big time dealer/ trafficker na siyang paghuhulihin at papanagutin.

Huwag na tayong magtaka kung sa mga susunod pang SONA ng Pangulo, muli at muling maririnig ang kampanya laban sa ilegal na droga dahil sa kampanya pa lang naman noon nangunguna na sa kanyang plataporma ang tungkol dito na hindi narinig o binigyang pansin ng iba pang kandidato.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with