^

Punto Mo

‘Quit’ claim vs Dengvaxia, fake news!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

INIISNAB ng mga magulang ng mga umano’y Dengvaxia victims ang P50,000 na tulong na ipinangako ng Palasyo sa kanila. Hindi dahil sa ayaw nila ng pera mga kosa kundi dahil sa maling kumakalat na balita. Sa huling bilang ni Public Attorney’s Office (PAO) head Persida Acosta aabot na sa 71 ang mga kabataang binakunahan ng Dengvaxia ang namatay at malaking tulong para sa kanilang pamilya ang P50,000, di ba mga kosa? Kasi naman ayon sa mga magulang ang nakarating sa kanila ang balitang itong P50,000 ay “quit claim” laban sa mga nasa likod ng Dengvaxia controversy. Nilinaw ng mga kosa ko sa Department of Health (DOH) na “fake” news ito! Ayon sa DOH, bibigyan ng tulong ang mga magulang ng Dengvaxia victims kahit ang kanilang pagkamatay ay walang relasyon sa kampanya laban sa dengue. Ang tulong pinansiyal ay walang kapalit na anuman, anang mga kosa ko sa DOH. Hak hak hak! O hayan, malinaw na sana sa mga magulang ng mga “biktima” ng Dengvaxia. Ihanda na ang mga papeles n’yo at mag-apply na sa DOH para makakubra ng tulong mula sa Palasyo.

Kaya naman nag-isyu ng paglilinaw ang DOH dahil mukhang walang ganang mag-apply sa tulong ng gobyerno ang mga magulang ng Dengvaxia victims. Halimbawa lang ay sa Central Luzon kung saan aabot sa 46 ang Dengvaxia victims sa talaan ng DOH ang namatay. Subalit hanggang kahapon, dalawa lang sa mga magulang ng Dengvaxia victims ang tumugon sa pana­wagan ng gobyerno ni President Digong na tulong pinansiyal. Kasi nga mga kosa may “fake” news na kumakalat na “quit” claim daw ang P50,000 tulong ng gobyerno kaya hayun nilangaw ang magandang alok ni Digong. Sa totoo lang mga kosa, puwedeng mag-claim ng tulong ng gobyerno ang mga magulang na kahit namatay sa kagat ng ahas basta magsumite lang sila ng ID ng bata at ebidensiya na nainiksiyunan siya ng Dengvaxia. Get’s n’yo mga kosa? Sa pagkaalam ko may nagbabalak na magsampa ng class suit laban sa mga nasa likod ng Dengvaxia project sa bansa kaya ang buong akala ng mga magulang ng biktima nito ay hindi na sila mapasama sa kaso kapag tinanggap nila ang pitsa, di ba mga kosa? Boom Panes! Hak hak hak! Baka naman usad pagong ang pagproseso ng papeles sa DOH kaya tinatamad ng mag-aaply ang mga magulang ng Dengvaxia victims? May reklamo kasi na buwan nang nailibing ang mga biktima subalit wala pa ang tulong pinansiyal na inaasahan ng mga magulang sa gobyerno ni Digong.

Ang huling balita sa Dengvaxia, isinumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman noong Hulyo 13 ang kanilang findings kung saan nirekomenda nilang sampahan ng kasong technical malversation sina dating Pres. NoynoyAquino , dating Health Sec. Janette Garin, at dating Budget Sec. Florencio Abad at iba pa. Samu’t saring imbestigasyon kasi ang inabot ng Dengvaxia matapos «aminin» ng French Pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur na maaring may masamang epekto ang pagturok sa kabataan ng gamot laban sa dengue. Tinatayang aabot sa 800,000 kabataan at mga pulis ang tinurukan ng Dengvaxia sa buong bansa. Siyempre maraming dahilan ang lumutang sa mga probe body kasama na ang madaliang pagpatupad ng proyekto na nataon namang ginawa habang palapit ang 2016 national elections. Maraming bata ang naospital, nagkasakit at namatay matapos maturukan ng Dengvaxia. Hindi man mapatunayan sa ngayon na Dengvaxia ang dahilan ng kanilang pagkamatay ngunit hindi maikaila na mali ang madaliang pagpapatupad ng immunization ng dating pamunuan ng DOH, di ba mga kosa? Boom Panes! Abangan!

vuukle comment

DENGVAXIA VICTIMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with