^

Punto Mo

Sambayanan nakaantabay sa SONA

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hinihintay na ng marami nating kababayan ang isasagawang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Digong.

Sa mga nakalipas na administrasyon kadalasang inaabangan sa tuwing may SONA ang Pangulo ay ang kasuotan ng mga mambabatas at ng mga magsisidalo sa okasyon, pero nang maupo si Pangulong Digong, nagpauna na ito na hindi na kailangan ang magarbong kasuotan. Kaya karamihan ay naging simple na lang ang kasuotan. Natigil na rin ang papormahan.

Magiging maiksi at direkta umano ang magiging SONA ng Pangulo na sinasabing kung ano raw ang nilalaman ng puso nito ay yaon ang mananaig sa SONA.

Walang keme-keme, diretsuhan lang daw. Hindi nga lang matiyak kung talagang sesentro lang ang SONA  sa kanyang written speech.

Gaya rin sa mga nakalipas ng SONA ng mga nagdaang dating Pangulo, hindi mawawala siyempre ang mga raliyista o militante sa mga daan para magrali na sumasabay ng sigaw sa pagre-report ng Pangulo sa sambayanan.

Maximum tolerance naman ang ipatutupad ng PNP sa mga raliyista na pinapayagang maghayag ng kanilang saloobin basta lang daw wala lang pasaway o bayolente na posibleng magdala ng panganib sa iba dahil kanila talagang bibitbitin.

Bagamat walang nakikitang anumang banta sa SONA ng Pangulo ngayong araw na ito, todo-alerto pa rin ang ating kapulisan at maging ang mga military.

Mahirap nang malusutan, dahil yung ibang mga pasaway nga naman ay mananamantala sa ganitong mga pagkakataon kaya dapat na maging mapagmasid.

Kung dati ay mismong si Pangulong Digong ang nagtungo sa hanay ng mga militante ay nakipag-usap, pero ngayon wala raw mangyayaring ganito, hindi na makikipag-usap sa kanila ang Pangulo.

Antabayanan natin ang mga magiging kaganapan sa maghapon, maging sa lalamanin ng SONA ng Pangulo.

Dapat mula’t din ang sambayanan sa pag-uulat ng Pangulo ng bansa, tayo na rin ang titimbang sa kanyang mga sasabihin. Kung may natupad o natutupad sa kanyang mga ipinangako.

Kung sapat ba o may pagkukulang.

Minsan naman kasi hindi kailangan ang puro batikos lang, dapat din makaisip o magkaroon din ng partisipasyon ang bawat isa para sa ikauunlad ng bansa.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with