^

Punto Mo

Matandang Tinali (170)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MATATAPOS din ang pagiging matandang tinali ko. Ikaw pala ang babaing tatapos doon,” sabi ni Dong habang yakap si Joy. Nasa tabing bintana pa rin sila at nagbubuo ng mga pangarap.

‘‘Ako rin, Dong, ikaw pala ang magiging katuparan ng mga pangarap ko. Dinadasal ko kasi na makatagpo ako ng lalaking totoong magmamahal sa akin. Pagkaraang mabigo sa unang pag-ibig, nangarap uli ako na sana isang araw, dumating na ang lalaking magmamahal nang wagas sa akin. Yung totoong iingatan ang aming pag-ibig. At ikaw pala yun. Narito pala sa lugar na ito ang lalaking ipagkakaloob sa akin ng Diyos.’’

“Umasa ka, Joy na mamahalin kita at aalagaan ang ating pag-ibig. Lahat nang mga nalasap mong sakit sa lalaking pinagtiwalaan mo ay lubusang mawawala dahil tunay at walang halong pagkukunwari ang aking pag-ibig. Gusto ko nga, makasal na tayo para ma-ging pag-aari na kita.’’

“Next year na tayo magpa-kasal. Maganda kung handang-handa na tayo. Gusto ko, simpleng kasal lang. Ayaw ko nang magarbo at ilan lang ang bisita.’’

“Ako rin, gusto ko simpleng kasalan lang. Basta ang mahalaga sa akin ay mabasbasan ng pari ang ating pag-iisang dibdib.’’

“Iplano nating mabuti ang ating kasal, Dong.’’

“Oo. Gusto mo ba dito sa simbahan ng Nagcarlan tayo pakakasal. Maganda ang simbahan sa bayan.’’

“Oo. Gusto ko. Lumang simbahan yun, panahon pa ng Kastila.’’

“Gusto mo ang reception natin e sa resort para kakaiba. Maraming resort dito.’’

“Oo. Dong gusto ko.’’

Inakbayan ni Dong si  Joy. Tinanaw nila ang malawak na kaparangan sa labas ng bintana.

Sumagi sa alaala ni Dong ang dating boyfriend ni Joy na nagbigay dito ng grabeng problema.

“Mabuti’t hindi ka na ginulo ng dati mong boyfriend. Natakot na siguro.’’

“Siguro nga. At saka hindi na niya ako masusundan dito.’’

“Kapag nagkamali siyang sundan ka, ako ang makakaharap niya. Hindi ko hahayaang guluhin ka pa niya, Joy!’’

Napakapit si Joy sa braso ni Dong.

“Tama na ang mga ginawa niyang pang-eeskandalo at kung anu-ano pang kataranduhan noon. Hindi ko siya uurungan.’’

Napayakap na si Joy kay Dong.

Lalo siyang nakadama ng seguridad kay Dong. Ka-yang-kaya siyang ipagtanggol ng lalaking mahal niya. Ito ang lalaking hinahanap niya --- matapang, malakas at mapagmahal. (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with