^

Punto Mo

Pangalawang Anino (508)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

 AT nakita ni Angela ang napakakisig na ibon habang nangunguha sila ng mga prutas sa napakaganda at napakalaking hardin.

“Wow! Kakaibang ibon! Napakagandang tingnan!”

“Alam mo, Angela ... lahat talaga sa bundok na banal ay maganda! Okay lang na humanga ka nang humanga sa lahat na makikita mo dito. Kasi kahapon ka lang naman dumating.” Naaaliw namang sagot ni Yawanaya, ang pa­ngalawang anino.

“Parang dumapo roon pero hindi ko na makita.”

“Okay lang kung hahanapin mo roon sa lugar na palagay mo nakita mong dinapuan.”

“Talaga? Hindi ka maiinis na iwan ko muna ang trabaho ko, Yawanaya?”

“Iba na ako ngayon, Angela. Hindi na ako marunong magalit. Lahat kaya ko nang unawain. Sige na, gusto kong ma­ging masayang-masaya ka rito!”

“O, sige. Pero magpapaalam muna ako kay Inay Alona.”

“Okay ‘yan. Nandodoon siya sa taniman ng mga saging. Puntahan mo na.”

“Sige, Yawanaya. Salamat!”

At excited nang tumakbo si Angela sa kina­roroonang lugar ni Alona.

“Inay Alona!”

“O, Angela ... huma­hangos ka, a!”

“Eh, kasi may nakita akong isang napakakisig at kakaibang ibon. Sabi naman ni Yawanaya papayag ka na malapitan ko ... Nang dumapo kasi sa banda doon, hindi ko na nakita.”

“Naku itong si Angela. Talagang daig mo pa ang batang inosente na tuwang-tuwa rito sa bundok na banal. Sige, iha ... hanapin mo ang ibon na iyon. Ang mga hayop dito ay tinatrato natin nang parehas. Kung magdudulot sa iyo ng kasiyahan, siyempre, puwedeng-puwede mong kaibiganin ang ibon na ‘yon!”

“Salamat ho, Inay Alona!” At takbo na si Angela para mahanap ang ibon.

Na hindi niya alam ay prinsepe pala ng kadiliman. Ang nakatakdang kumuha sa kanya sa bundok na banal para matuluyan na siyang masakop ng masamang puwersa.

Hinawi ni Angela ang mga luntiang tanim.

Sa paghahanap sa ibon na hindi niya maa­ring kalimutan na lang.

Parang may nag-uutos sa kanya na kaila­ngang mahawakan man lang niya ang ibon.

O kaya marinig na umawit. Di  ba sabi nina Alona at Yawanaya mga huni pa lang ng mga ibon dito sa bundok na banal ay tila awitin na.

   - ITUTULOY

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with