^

Punto Mo

SONA ng Presidente at SONA Natin

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

NAKATAKDANG ideliber ni President Duterte ang kanyang ikatlong “State of the Nation Address” (SONA) sa Lunes, sa magkasanib na sesyon ng Congreso sa Batasang Pambansa. Ano ang maaari nating asahan sa SONA 2018?

Ang unang SONA ng Presidente noong 2016 ay tumagal ng isang oras at 35 minuto, kung saan inilatag niya ang mga plano, katulad ng pagsugpo sa droga, kriminalidad at katiwalian. Ang ikalawang SONA noong 2017 ay tumagal ng halos dalawang oras, kung saan ang mahabang parte ay banat ng Presidente sa kanyang mga kritiko na sinabihan niya ng ganito, “Talagang bully ako, especially to the enemies of the state.” 

Gaano kaya ang itatagal ng SONA 2018?  Ayon kay Secretary Harry Roque, maaaring tumagal lamang ito ng 35 minutos at ang Presidente raw ay magsasalita hindi na tungkol sa mga nagawa ng kanyang administration, kundi sa mga isyu na malapit sa kanyang puso.  Sana nga!  Sa panahon pa rin ng SONA, inaasahang isusumite ng Presidente ang 3.767 trillion budget, ang panukalang bagong constitution na binalangkas ng Consultative Committee at pipirmahan ang Bangsamoro Basic Law.

Kung ako ang tatanungin, may mga bagay na ayaw kong marinig at gusto kong marinig mula sa Presidente sa panahon ng kanyang SONA. Ayaw kong marinig na magmumura ang Presidente at pagkatapos ay papalakpakan pa ng mga Kongresista at Senador. Simula sa SONA 2018, gusto kong marinig ang isang Presidente na “statesman,” na igagalang ng buong international community, sapagkat marangal sa pananalita at gawa. Ayaw kong marinig na babanatan muli niya ang kanyang mga kritiko na lumilikha ng “chilling effect” sa marami. Gusto kong marinig ang isang Presidente na may mababang-loob sa pagharap sa mga kritisismo, ngunit may matibay na paninindigan kapag ang pinag-uusapan ay ang pagsunod sa batas, katarungan, katuwiran at katotohanan. Ayaw kong marinig na hahamakin ng Presidente ang paniniwala ng anumang relihiyon o denominasyon. Gusto kong marinig ang isang Presidente na iginagalang ang pananampalataya ng kanyang mga mamamayan at nagdedeklara ng pananampalataya sa isang makapangyarihang Diyos.

 

Gusto kong marinig na ilalahad ng Presidente ang mga isyu na hindi lamang malapit sa kanyang puso, kundi malapit sa puso ng karaniwang mamamayan.  Gusto ko na ang kanyang SONA ay may “kurot sa puso,” sumasagot sa mga tanong ng mga mamamayan tungkol sa lumalalang kriminalidad, tumataas na halaga ng bilihin at di-mapigil na katiwalian sa gobyerno.  Nais kong ang kanyang SONA ay magbigay ng magandang pag-asa sa mga Pilipino at humamon sa ating lahat na tayo’y magkaisa anuman ang ating relihiyon at political affiliation.  Nais kong marinig ang isang Presidente na “ama” nating lahat.

 

Gusto kong maging matagumpay ang SONA 2018.  Mayroon akong mga gusto at hindi gusto sa ginagawa ng Presidente, ngunit sa huli, gusto ko siyang magtagumpay, sapagkat ang tagumpay niya’y tagumpay nating lahat, ang pagbagsak niya’y pagbagsak nating lahat. Ang Diyos ang nagluklok sa kanya sa kapangyarihan, kaya’t gusto kong mabigyan niya ng karangalan ang Diyos sa lahat ng kanyang sinasabi at ginagawa.

Gusto kong ang SONA 2018 ay umantig sa puso nating lahat bilang mga Pilipino na magmahal sa Pilipinas. Hindi lamang si Presidente Duterte ang may SONA. Tayong lahat ay dapat na may sariling SONA—Magbigay tayo ng Suporta, Gawin ang ating Obligasyon, Itaas ang Nasyonalismo at Ialay natin ang ating Abilidad para sa kapakanan ng bansa.    

 

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with