Tumitinding problema sa baha!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - July 18, 2018 - 12:00am

Paralisado ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa mga naranasang matinding pagbaha dala ng habagat na pinatindi ng bagyong si Henry kahapon.

Talagang malaki ang problema ng bansa ngayon sa mga matinding pagbaha.

Kung dati ang mabababang lugar lang ang madalas bahain tuwing malakas ang pag-ulan o kaya ay high tide, pero ngayon kahit yung ilang mataas na lugar minsan ay nilulubog na rin ng baha.

Kahit nga hindi naman kalakasan ang ulan at sandali lang, madalas ay meron agad baha.

Ilan sa nakikitang dahilan dito ay ang hindi maayos na mga drainage system, na lagi namang nakikitang proyekto ng gobyerno sa maraming lugar.

Kabi-kabila nga ang mga paghuhukay at pagsasaayos ng mga drainage pero mukhang walang silbi ang mga ito.

May ilan kasi na ‘bara-bara’ ang gawa at hindi natututukan o nababantayan.

Marami sa mga proyekto ang ganyan mapa-nasyunal o lokal.

Sa ilang proyekto, ang kinukuhang mga contractor sa mga proyekto basta nabayaran ay hindi na napupulido ang gawa o ang mga gamit hindi na inaayon sa mga napagkasunduan, pati kung paano ito isasagawa.

Meron pa nga dyan kunwari ay magbabaon ng malalaking concrete pipe hindi naman alam kung saan padadaluyin ang tubig mistulang nagbaon lang kunwari. Kapag umulan bumabalik sa kalsada mula sa imburnal ang tubig.

Walang silbi ang mga ginawa sayang ang pera ng bayan.

Isa pang dahilan sa matinding pagbahang nararanasan ay ang walang habas na pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.

Madalas ito ang bumabara sa mga daluyan ng tubig .

Hanggat hindi natututo ang marami maya’t-mayang mararanasan ang baha baka ito ang palagi nating mararanasan ang malubog sa baha.

TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with