^

Punto Mo

Matandang Tinali (165)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA mismong pampang ng sapa naganap ang mainit na paghahalikan nina Dong at Joy. Nakaupo sila sa bahaging damuhan habang ang mga paa ay nakalubog sa malinaw na tubig ng sapa. Hindi na sila umalis kung saan nadulas si Joy at nasalo ni Dong. Eksakto ang pagsalo ni Dong kay Joy sapagkat nagkadikit ang kanilang mga mukha. Nasumpungan na lamang nilang dalawa na magkalapat ang kanilang mga labi. Nag-aapoy ang kanilang mga labi. Wala silang pakialam kahit may makakita man. Basta ang alam nina Dong at Joy, mahal nila ang isa’t isa.

Hindi nila alam kung gaano sila katagal na naghalikan.

Basta nang angatin nila ang mga labi, naghabol sila ng hininga. Para bang galing sa paninisid sa malalim na bahagi ng sapa.

Nang makabawi sa mahabang paglalapat ng labi, saka lamang nakapagsalita si Dong. Buong puso at buong pagmamahal niyang sinabi kay Joy: ‘‘I love you, Joy. Mahal na mahal kita. Ikaw ang babaing gusto kong makasama habambuhay!’’

Para kay Joy, iyon ang pinakamaganda at pinakamakabuluhang salita na narinig sa buong buhay niya sa mundong ito. Napa­kasarap sa pandinig.

Kaya naman buong puso rin niyang nasabi kay Dong: “Mahal na mahal din kita Dong. Ikaw ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa huling yugto ng aking hininga. Wala nang iba Dong. Ikaw lang!’’

Sapat na iyon para muli nilang ituloy ang mainit na paghahalikan.

Lubhang napakainit ng kanilang pagmamahalan.

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with