^

Punto Mo

Ang kapalit

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG 1998 ay namatay ang apat na taong gulang na anak ni Jeny na si Marc dahil sa sakit sa puso. Simula noon ay lagi na niyang napapanaginipan ang anak. Kaya lang, si Marc ay naging binata at maganda ang kalusugan sa panaginip. Kaya niya nasabing may maganda itong kalusugan ay sapagkat si Marc ay naging isang body builder. Ang madalas na pagdalaw ni Marc kay Jeny sa panaginip ay naging “therapy” nito upang mabawasan ang pangungulila sa anak.

Pagkaraan ng isang taon, nagbago ang eksena sa panaginip. May dalawang bata : isang lalaki at isang babae ang ipinakilala sa kanya ni Marc.

Mama, puwede bang iwan ko silang magkapatid sa inyo ni Papa. Kailangan nila ng pagmamahal. Wala silang magulang. Iniwan na sila. At saka para hindi ka mainip kapag umalis ako. Sila ang magiging kapalit ko.

Bakit? Saan ka pupunta?

Madedestino po ako sa malayo.

Sa pagkakataon ito, hindi na sumagot si Jeny. Basta napaiyak na lang siya. Simula noon ay hindi na kailanman napanaginipan ni Jeny ang anak. Minsan, isang malayong kamag-anak ang lumapit sa mag-asawang Jenny at Roby. May bitbit itong dalawang sanggol. Apo raw niya ang kambal. Ang anak nito na ina ng kambal ay namatay sa panganganak. Matapos buntisin ang anak ay nilayasan ito ng boyfriend. Marami silang anak. Hindi niya kayang buhayin ang kambal na apo na lalaki at babae. Isa pa, walang mag-aasikaso sa mga sanggol dahil aalis na siya sa susunod na buwan patungong Hong Kong para magtrabaho bilang domestic helper.

Inilapit nila sa DSWD ang mga sanggol para tulungan silang gawing legal ang pag-aampon sa mga ito. Nagkatotoo ang panaginip ni Jenny. Ang kambal palang iyon ang tinutukoy ni Marc sa kanyang panaginip.

vuukle comment

BODY BUILDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with