^

Punto Mo

Matandang Tinali (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAKANG-TAKA si Joy dahil biglang nawala sa harapan niya si Dong. Saan na nagpunta ang lalaking ‘yun?

Nakiramdam siya.
Maya-maya may humawak sa kaliwang tuhod niya.

Napatalon siya at napasigaw sa pagkagulat.

“Ayyy! Ayyy!

Isinipa niya ang kaliwang paa para maalis ang pagkakahawak pero malakas. Gumapang hanggang sa may hita.

Hanggang sa maramdaman niya ang biglang paglutang nang nanghihipo sa kanya.

“Bulagaaaa!’’

Si Dong!

“Ginulat mo ako Dong! Diyos ko huwag mo akong gulatin.’’

“Sorry, Joy natuwa lang ako sa’yo.’’

“Akala ko may bayawak na naman na dumikit sa tuhod ko.’’

“Sorry na Joy.’’

“Bakit pati hita ko e hina­wakan mo.’’

“Hindi ko sinasadya, Joy. Kasi magalaw ang mga paa mo.’’

“Lagi mo akong binibiro, Dong.’’

“Hindi na Joy, promise.’’

“Kapag umulit ka anong gagawin ko sa’yo.’’

“E di hawakan mo rin ang tuhod ko at saka hita.’’

Biglang nagtawa si Joy.

“Ay ang daya nito. Ba’t naman kita hahawakan?’’

“Para nga makaganti ka.’’

“Hmp!’’

“Sorry na talaga. Hindi na mauulit, Joy.’’

“Sige pinatatawad na kita.’’

“Gusto mo punta na tayo sa pampang.’’

“Sige.’’

Inalalayan ni Dong si Joy.

Nang makarating sila sa pampang, nadulas si Joy at nasalo ni Dong. Hanggang sa magkayakap na sila.

Nagkadikit ang kanilang mga mukha.

Hanggang sa malaman na lang nila na naghahalikan na sila.

Mainit ang paghahalikan nila. (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with