^

Punto Mo

Libong kabataan, ipinagdiwang ang ‘araw ng putik’ sa Detroit

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LIBU-LIBONG kabataan ang dumagsa sa isang parke sa Detroit, Michigan upang ipagdiwang ang “Mud Day” o “Araw ng Putik” na taun-taong ginugunita roon.

Isang hukay na may lawak na may 150 talampa-kang haba at 75 talampakang lapad ang ginawa sa Nankin Mills Park upang doon idaos ang selebrasyon ng Mud Day.

Pinuno ang hukay ng 2,000 gallon ng tubig at 200 toneladang lupa upang makapaglaro ang mga kalahok sa putikan.

Iba’t ibang mga palaro ang isinagawa para sa mga bata, kabilang na ang mga karera at hilaan ng lubid.

Bago matapos ang araw ay kinoranahan bilang Mud King ang tatlong taong gulang na si Charlie Daviskiba. Tinanghal namang Mud Queen ang apat na taong gulang na si Molly Kofahl. Napili ang dalawa dahil sila ang pinakamaputik sa lahat ng mga batang sumali sa kasiyahan.

Matapos ang selebrasyon ay dumating ang mga bumbero upang pasiritan ng tubig ang mga kabataan nang maalis ang putik na bumabalot sa kanilang mga katawan.

vuukle comment

MUD DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with