^

Punto Mo

‘Probinsiyanong’ COPs, bagsak sa media relations!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG sina PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar ay madaling tawagan ng media, mukhang baliktad naman ang asal ng ilang chief of police (COP) sa Metro Manila. Sina Albayalde at Eleazar ay 24/7 kung mag-entertain ng media na gusto ay presko palagi ang balitang inihatid nila sa listeners o mambabasa nila. Kaya tuwing may presscon sina Albayalde at Eleazar, halos mapuno ang lugar na pinagdarausan dahil nagkukumahog ang media na dumalo. Kaya puwede kong sabihin na “darling of the press” sina Albayalde at Eleazar. Kung sabagay, ang media ang tumulong kay Albayalde para makarating kay President Digong ang pag-disiplina niya sa mga pulis noong NCRPO chief pa siya. Kaya dahil sa kasipagan niya, siya ang pinili ni Digong na pumalit kay Gen. Bato dela Rosa nang magretiro noong Enero kahit walang “Davao connection”, di ba mga kosa? Kung ang “anino” ni Albayalde na si Eleazar na kasalukuyang nagpapakita rin ng sipag sa trabaho laban sa droga at kriminalidad ay maari ring piliin ni Digong na papalit kay Albayalde? Boom Panes! Hak hak hak! Matagal pang magreretiro si Albayalde kaya wala pang linaw kung sino talaga ang papalit sa kanya, di ba Dep. Dir. Gen. Archie Gamboa Sir?

Kaya naman nabigyang pansin ang hindi pagsagot ng mga COP sa tawag ng media ay dahil sa kaso ni celebrity doctor Joel Mendez na nahuli noong Huwebes sa Mandaluyong City dahil sa warrant of arrest sa two counts of rape at attempted rape. Nagpalabas ng press release ang Eastern Police District (EPD) sa kaso subalit kulang-kulang ang detalye kaya marami sa media ang tumawag kay Sr. Supt. Moises Villaceran, hepe ng pulisya. Ang problema, Generals Albayalde at Eleazer Sirs, hindi sumasagot si Villaceran sa tawag at minsan ini-off pa ang cell phone. Ang paliwanag naman ni Sr. Supt. Bernabe Balba, director ng EPD, sobrang dami talagang media ang tumatawag kay Villaceran kaya maaring nahilo na siya sa katatanong ng mga ito. Boom Panes! Sa totoo lang mga kosa, si Mendez ay nahuli bandang 11:30 ng gabi nung Huwebes sa parking lot ng isang condo unit sa Mandaluyong at ang PR ng EPD ay nai-post sa Viber bandang 4:00 p.m. ng Friday na kung tutuusin ay ora-peligro na dahil ang ilang diyaryo ay 3:00 p.m. ang deadline. Kaya inulan ng tawag si Villaceran. Get’s n’yo mga kosa? Kung totoo ang sinabi sa PR ng EPD na halos ilang buwan ding tinitiktikan ng pulisya si Mendez, aba dapat kumpleto rekado na ang detalye nila sa kaso dahil sa ang nag-isyu ng warrant ay nasa kabilang building lang nila, di ba mga kosa? Hak hak hak! Parang hindi pa nadala si Villaceran sa nangyaring «mistake encounter» sa siyudad niya noong Enero ah. Boom Panes!

Hindi lang naman si Villaceran ang hindi sumasagot sa tawag sa EPD kundi maging si Sr. Supt. Rizalino Gapas, ang bagong hepe ng Pasig police. May ugali pa si Gapas na magpa-prescon ng 10:00 ng gabi o 12:30 ngmadaling araw na inireklamo ng taga-media, di ba kosang Arlene Rivera Ma’m? Ano ‘yun overtime? Si Villaceran ay galing sa nabuwag na Negros Island Command, samantalang si Gapas naman ay dating hepe ng CIDG sa Bicol kaya masasabi kong mga “probinsiyano” silang pulis, di ba Pulitzer award winner Manny “Cardo” Mogato Sir? Kung sa probinsiya baka bihirang makadaop-palad nina Villaceran at Gapas ang media, aba dito sa Metro Manila tiyak kukuyugin sila dahil “show window” ang Metro Manila ng Pinas at maraming kaso dahil sa kasagsagan ng kampanya ng PNP laban sa droga at kriminalidad. Sina Villaceran at Gapas ay miyembro ng PNPA Class ‘95 at classmate nila ang magiting, masipag at matapang na si Sr. Supt. Ely Matta, ang hepe ng CIDG National Capital Region (NCR). Anyare kosang Ely? Adopted din ng klase si Albayalde subalit mukhang hindi nila nakuha ang charisma nitong idol nila sa media. Baka hindi lang sina Villaceran at Gapas ang allergic sa media sa 38 COPs sa Metro Manila kaya panahon na para isailalim sila ni Eleazar sa seminar sa media relations para maging pogi sila. Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with