Walang kadala-dala!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - July 16, 2018 - 12:00am

Mistulang hindi  nadadala ang ilang pasaway na tauhan ng pulisya matapos na naman na masangkot ang walong tauhan ng Muntinlupa police sa katiwalian.

Dahil dito, ayun sapul din maging ang kanilang hepe dahil sa command responsibility.

Kaya nga matindi ang dapat na gawing pagbabantay ng mga chief of police o mga station commanders sa kanilang mga nasasakupan, sibak sa pwesto ang kanilang agad-agad na kahaharapin, na ibinabala naman nina PNP chief Director Gen. Oscar Albayalde at NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Nanggagalaiti nga sa galit ang dalawa matapos na namang madawitt ang walong tauhan ng Muntinlupa police makaraang hulihin ang isang ginang na inakusahan ng kasong droga.

Dinala ito sa police station, pero kung talagang dawit sa droga bakit hindi sampahan ng kaso. Ang siste hinihingan ng P400,000 ang ginang para mapalaya.

Eto pa kasama pa ng ginang ang kanyang 7-anyos na anak nang pigilin sa istasyon ng pulisya.

Nagkatawaran na unang ibinaba ang hinihingi sa P200,000 na hindi rin kinaya ng pamilya ng ginang hanggang bumaba sa P40,000 na kinagat na ng mga pulis.

Lingid sa kanilang kaalaman humingi na ng tulong ang kinakasama ng ginang sa Region Special Operation Unit (RSOU) ng NCRPO kung saan isinagawa ang entrapment operation.

Mismong sa loob ng himpilan dinakip ang mga pulis na sangkot. Ang operasyon ay mismong pinangunahan ni Gen. Eleazar.

Halos nagkakasunud-sunod na nga ang operasyon ng PNP laban sa mga tiwali nilang kabaro, pero ayon nga kay Gen. Eleazar walang mga kadala-dala.

Sa rekord nga ng National Police Commission mula noong Hulyo 2016 hanggang Hunyo ng taong 2018 may 456 ng pulis ang nadismis sa serbisyo, 251 ang na-demote habang 193 naman ang nasuspinde dahil sa mga kinasasangkutang mga kaso.

Katunayan lamang ito na seryoso ang PNP sa isinasagawa nilang internal cleansing. Walang sisinuhin, ang kaparusahan tagos hanggang sa mga chief of police at commanders ng mga tiwaling tauhan.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with