Mayor Bistek, may permit mo ba ang kainan sa Matapang St.?
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

Bakit pakaang-kaang at hindi pinapansin ng Department of Public Order and Safety ng Kyusi itong mga tindahan nang mga tsibugan, may ilang dipa lamang ang pagitan sa SSS main office building, sa Matapang St.

Nakatirik sa mahabang bangketa ang mga tindahan ng pagkain, ukay-ukay at xerox machine copier kaya tuloy ang mga naglalakad dito ay sa bangketa dumadaan.

Dikit-dikit ang mga puesto ng mga kainan sa Matapang St., at maaring pagmulan pa ng sakit ito?

Bakit?

Sagot - sa bangketa ang kainan na may mga langaw, ali-kabok, usok ng mga sasakyan echetera.

Sino kaya ang nagbigay sa mga ito ng kuryente? Meralco kaya o naka-jumper lang sila?

Sabi nga, imbestigahan!

Mantakin mo kung saan kukuha ng tubig at paano ang ginagawang paghuhugas sa mga pinagkainan?

Naku ha!

Ano ba ito, QC Mayor Bistek Bautista?

Mura nga ang pagkain dito napaka-unsanitary naman dahil sa uri ng puesto at sistema ng paghuhugas ng mga pinggan, kutsara, baso na gamit ng mga kumakain.

Ano nga ba?

Galaw, galaw Mayor Bistek?

Naku ha!

Mukhang wala ng pakialam si Mayor sa mga ganitong klase ng tindahan na nakatirik sa mga bangketa na parang hindi na niya prioridad ito at ang DPOS ay hindi man lang inaaksyunan ang mga ito.

Ano kaya ang inaantay nila?

Bakit kaya?

Bukod sa hindi magandang lugar at hindi maayos na pag­huhugas ng mga utensils ay makikita mo rin na may mga alagang hayop tulad ng aso at pusa na maaari ring pagmulan ng sakit oras na kumapit sa mga panindang pagkain ?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ano kaya ang mga ginagawa ng barangay officials dyan sa Barangay Pinyahan na nakakasakop sa mga tindahan na ‘yan ?

Bulag ba sila o nagbubulag-bulagan lang?

Paano kaya ang bayaran dito at sino ang kumikita?

Abangan.

BUSINESS PERMIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with