^

Punto Mo

Illegal arms kumakalat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malaking hamon sa pamunuan ng Philippine Natio­nal Police (PNP) para sa ikalulutas ng kaso ang sinasabing sunud-sunod na pagpaslang sa mga local government offi­cials.

Dalawang magkasunod na araw, dalawang mayor ang napatay.

Si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili nasapol ng isang tama ng bala sa dibdib na galing umano sa isang sniper, umaga ng Lunes sa mismong flag raising ceremony sa munisipyo.

Kasunod na araw tinambangan si Mayor Ferdinand Bote ng Gen,. Tino, Nueva Ecija , labing anim na tama ng bala ng baril ang tinamo ng sinasakyan nitong Fortuner, nasapol ang target na mayor.

Bukod dyan, ilang barangay officials din ang naging biktima rin ng pamamaril hindi lamang sa Metro Manila at maging sa karatig pang lugar.

Halos kasabay sa naganap na pamamaslang kay Mayor Bote, pinasok at pinagbabaril din sa loob ng kanyang opisina sa Cebu City si Atty. Roy “Buddy” Solima na nasawi sa insidente habang kritikal at pinagbabaril din ang kanyang misis.

At dahil sa nagkakasunud-sunod, natatambak ang mga ganitong kaso na ang gamit sa krimen ay mga baril.

Sa nangyayari, mukha talagang matindi na ang pagkalat ng mga baril na nagagamit sa krimen sa mga lansangan hindi lang ito yung mga loose firearms.

Sang-ayon tayo sa panukalang napapanahon na para magkaroon ng mahigpit na firearms control.

Dapat na itong maagapan, dahil baka nga mag-mistulang ‘ Wild, wild west ‘ ang Pinas na kahit sino ay de baril na.

Kaya nga madalas konting girian o sagian lang sa daan meron napapatay dahil may dalang baril ang nakagitgitan.

Yung mga nanghoholdap sa mga establisimento na mabuti na at nadakip na ang ilan sa mga ito ng mga tauhan ng NCRPO, mga de baril din ang mga mokong na gamit nila sa kanilang operasyon.

Illegal o loose firearms, kung saan-saan na lang nasusumpungan.

Marahil maging sa pagbibigay ng lisensya at permit to carry, dapat na rin sigurong mahigpitan, masala at mapag-aralan nang husto.

Baka kasi dumating ang araw halos lahat ng makakasalamuha mo sa lansangan de baril na, hindi na ma-distinguish kung sino ang mga awtoridad sa mga sibilyan na kahit saan eh may bitbit na ring armas.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with