^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa pag-aresto o pagdampot

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa pag-aresto o pagdampot

NANG ipag-utos ni Pres. Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang loiterers o ang mga kakalat-kalat sa kalye sa dis-oras ng gabi, parang mga asong ulol ang ilang pulis at bawat makitang nakatambay ay hinuhuli. Ang masama, pati mga galing sa trabaho ay ina­aresto. Para bang naging bara-bara ang aksiyon ng mga pulis ukol dito.

Kapag sinabing kakalat-kalat ito ‘yung mga nag­lilimayon sa gabi at lumalabag sa curfew hours. Kabilang din dito yung mga nagkakantahan at nag-iinuman sa kalsada nang nakahubad-baro. Kadalasang mga kalalakihan ito na ang ingay ay nakabubulahaw sa kapitbahay. Kasama rin sa loite-rers ang mga menor-de-edad na nasa labas ng bahay sa alanganing oras na walang kasamang magulang o guardians. Ang mga ito ang dapat arestuhin pero ipaliwanag kung bakit inaaresto.

Katwiran ng Presidente kaya ipinag-utos ang pag-huli sa loiterers ay para ganap na maipatupad ang paglutas sa kriminalidad lalo na sa Metro Manila. Ang mga pagtambay-tambay at pakalat-kalat sa kung saan ay karaniwang pinagsisimulan ng mga krimen.

Mula nang ipag-utos ang crackdown sa loiterers, nakadampot na ang PNP nang mahigit 7,000 loiterers sa Metro Manila. Pagkatapos arestuhin, inimbestigahan ang mga ito at saka pinauwi. Ang ilan ay dinala sa barangay hall samantalang ang mga menor-de-edad ay ipinatawag ang mga magulang. Sinermunan muna ng mga pulis ang mga magulang bago pinauwi kasama ang nadampot na anak. Ito ang tama.

Pero may mga pulis nga na OA sa paghuli o pagdampot. Gaya halimbawa ng isang call center agent sa Makati na inaresto at dinala sa presinto nang walang tanung-tanong. Bakit kailangang arestuhin e hindi naman pakalat-kalat ang empleado? Nag-sorry ang PNP sa pangyayari at sinibak na ang umarestong pulis.

Ang pag-uutos na arestuhin ang mga kakalat-kalat at tambay ay matagal nang ordinansa sa ilang lungsod at bayan. Sa Quezon City ay matagal na itong batas. Pero dahil walang political will ang mga namumuno, hindi ito naipatutupad. Kailangan pang si Duterte ang mag-utos na hulihin ang mga kakalat-kalat sa dis-oras ng gabi.

Maganda ang layunin sa crackdown ng loiterers at mga nag-iinuman sa kalye, pero maging maingat ang mga pulis sa pagdampot o pag-aresto. Huwag dampot nang dampot. Baka maakusahan na may nilalabag na karapatan. Ilagay sa tama ang lahat.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with