^

Punto Mo

VIP treatment raket sa jail, wakasan mo Gen. Albayalde!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING hot topic na naman ang masikip na mga kulungan sa bansa dahil sa pagkamatay ni Genesis Argoncillo sa jail ng Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD) sa Novaliches noong nakaraang linggo. Sa totoo lang mga kosa, lalong sumikip o napuno ang kulungan sa mga police stations dahil sa malawakang kampanya laban sa droga subalit naging tatlong doble ito matapos manghuli pa ang PNP ng mga lumalabag sa ordinansa at iba pang petty crimes. Kasi nga naman mga kosa, hindi maibiyahe kaagad ng PNP ang mga nadakip nila sa ordinansa sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil hindi pa inaksiyunan ng mga prosecutor’s office kung sila ba ay palayain, magpiyansa o magsagawa ng community service. Kaya halos hindi na makahinga sa loob ng kulungan ang libu-libong nahuhuli ng PNP sa paglabag ng ordinansa. Get’s n’yo mga kosa? Subalit sa tingin ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde mahirap tugunan ang problemang ito dahil sa kawalan ng lupa kung saan katitirikan ng mga itatayong bagong police station, lalo na sa Metro Manila kung saan halos wala nang bakanteng lote. Noong nakaraang taon, halos 500 police stations ang itinayo ng PNP dahil may mga good samaritan na nag-donate ng lupa, ani Dir. Jovic Ramos, ng Directorate for Logistics ng PNP. May pondo ang PNP para magtayo ng police station at ang problema lang ay ang lupa, ang dagdag pa ni Ramos. Get’s nyo mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Subalit kahit masikip ang mga kulungan sa Metro Manila, aba nagawa pa itong pagkakitaan ng mga pulis dahil sa tinatawag na VIP treatment. Tunghayan natin ang kuwento ni alyas Erbon, marketing manager ng isang real estate company na nakulong sa CIDU sa sa QCPD. Ayon kay Erbon, ang VIP prisoners at makikita sa unahang bahagi ng CIDU jail at doon may electric fan ka at TV. Kaya lang may bayad dito na P1,500 sa isang linggo at ang kaigihan nito kapag nasa VIP ka ng CIDU jail, ay una kang hahainan ng pagkain. At kapag hindi na VIP, tulad ng suspect sa pagpatay ng buntis na prosecutor ng Ombudsman, aba totong ang kanin mo at huli ka ng pakainin. Hehehe! Pero iisa lang ang pagkain ng VIP at ordinaryong preso, aniya. Hak hak hak! Mahihirapan kaya itong sina Albayalde at NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na amuyin ang raket sa CIDU jail? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Tumpak! Dahil sa umiiral na “bata-bata” system sa PNP!

Ganito pa ang raket Gen. Albayalde Sir, ang bentahan ng isang yosi, 3 n 1 coffee at sachet ng sabon ay tig-P150. Maliban dun binentahan din si Erbon ng Ginseng Coffee na isang box na 10 piraso sa halagang P700 subalit tinawaran n’ya ng P500. Sa unang Martes niya sa kulungan nagbigay si Erbon ng P1,500 para VIP treatment at sa pangalawang Martes nagdagdag siya ng P500 dahil lumampas siya ng isang linggo. Hak hak hak! Ang lufet naman ng raket na ito sa CIDU, ano mga kosa? Ang kaigihan lang kapag VIP ka, sa bungad ka ng selda natutulog. Subalit hindi diyan nahinto ang paglabas ng pitsa ni Erbon dahil araw-araw ay hinihingan siya ng P1,200 o P1,500 para pambili ng pagkain at inuutang niya ang pitsa sa mga dalaw n’yang kaibigan. Hak hak hak! Lalong mapasama ang imahe ng PNP sa VIP raket na ito na sa tingin ng mga kosa ko ay nangyayari rin sa iba’t ibang kulungan sa bansa. Boom Panes!

Kung itong raket na ibinulgar ni Erbon ang gagawing basehan, hindi ko masisi si kosang Cesar Apolinario, ng GMA 7 kung tahasang sinabi niya sa Viber ng NRCPO na ang malawakang pagpapatupad ng ordinansa tulad ng half-naked, pag-iinom at pag-ihi sa kalye at iba pa ay naging milking cow lang ng mga tiwaling pulis. Kaya lang, ang penalty ng mga pinapairal na ordinansa ay P1,000 o community service kaya sa tingin ko hindi na isusugal ng mga pulis ang dobleng suweldo nila sa ganyang kaliit na kantidad. Pag nagkataon kasi parang giniba nila, hindi lang ang imahe ng PNP, kundi maging ang kinabukasan ng pamilya nila. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Bakit kaya hinuli si Erbon? Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with