^

Punto Mo

Pinakamalaking protesta na isinagawasa pamamagitan ng surfing, idinaos sa Israel

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HALOS 1,000 surfers sa Israel ang lumahok sa sinasabing pinakamalaking protesta sa mun­­do na isinagawa sa pamamagitan ng pagsu-surfing.

Idinaos ang protesta upang labanan ang offshore drilling na isinasagawa malapit sa baybayin ng Israel.

Layunin sana ng 992 na mga surfers na makumbinsi ang mga kinauukulan na gawing mas malayo ng 10 kilometro ang mga oil rigs mula sa baybayin.

Bumuo ng isang malaking bilog sa gitna ng Mediterranean Sea ang mga surfers. Nahigitan ng grupo ang 511 na bilang na isinagawa ang katulad na aktibidad noong isang taon sa Huntington Beach sa California.

Bukod sa pagbuo ng dambuhalang bilog sa gitna ng dagat ay nagsagawa rin ng pagkilos ang mga surfers sa beach sa ilalim ng slogan na “the sea is not for sale.”

Ayon kasi sa mga environmentalists sa Israel ay mapipinsala ang kanilang mga baybayin   kung magi-ging masyadong malapit ang mga gagawing pagbubungkal para sa langis.

vuukle comment

SURFERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with