^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang mangyayari sa peace talks

Pang-masa
EDITORYAL - Walang mangyayari sa peace talks

ANG minimithing kapayapaan sa pagitan ng pa-mahalaan at Communist Party of the Philippines (CPP) ay mahirap makamtan. Malabong matuloy ang peace talks. Sa umpisa pa lamang, nagkakagulo na kung saan gagawin ang usapang pangkapayapaan. Ang ganitong senaryo ay nagpapahiwatig na hindi magkakasundo ang dalawang panig. Wala na namang mangyayari sa peace talks (kuno) na ito.

Ipinaggigiitan ni Pres. Rodrigo Duterte na rito sa bansa idaos ang usapang pangkapayapaan at hindi sa ibang bansa. “Bakit sa ibang bansa mag-uusap? Ang pag-uusapan dito ay tungkol sa ating bansa kaya bakit sa ibang bansa gagawin? Kailangang dito ito idaos,” mariing sabi ni Duterte.

Sinabi ito ng Presidente isang araw makaraang magbanta si CPP chairman Jose Maria Sison na hindi matutuloy ang peace talks kapag dito sa bansa ginawa. Mas gusto umano ni Sison na sa Oslo, Norway idaos ang pag-uusap.

Pero sinabi naman ng isang National Democratic Front (NDF) consultant, uuwi raw sa Agosto rito sa bansa si Sison para sa pagdaraos ng peace talks. Darating daw ito sa ikalawang linggo ng Agosto. Ganunman, nagpahayag ng pagkabahala ang consultant na maaaring arestuhin ang mga negotiators kapag dito idinaos ang peace talks. Itinanggi naman ni Sison ang report na uuwi siya sa Agosto.

Sinabi ng Malacañang na puwede ring sa Oslo ida­os ang peace talks. Puwede raw maging third party facilitator ang Norway sa pagkat sa mga nakaraang pag-uusap ay sa bansang ito ginagawa. Ayon sa Malacañang, ang mahalaga raw ay malaki ang pagnanais ni President Duterte na matuloy ang pag-uusap.

Sino ba ang ayaw magkaroon ng kapayapaan? Lahat ay naghahangad nito. Dapat matapos na ang paglalaban ng pamahalaan at CPP-NDF-NPA. Pero sa takbo ng pag-uusap ng magkabilang panig, tila may patigasan kung saan gagawin ang peace talks. Mayroong ipinipilit ang dalawang pinuno.

Hangga’t may nagpapatigasan, walang marara-ting ang pag-uusap. Hangga’t may nagmamataas, malabong matuloy ang usapang pangkapayapaan. Kailangang may pagkumbaba at tiwala sa isa’t isa.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with