^

Punto Mo

Ang biyenang makulit

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY binibili ako sa tindahan ng aking suki. Ama ng tahanan ang tao sa tindahan. Habang hinahanap  nito ang item na binibili ko ay binangga siya ng anak na bunso na rumaragasang pumasok sa tindahan.

“Ano ba? Hindi magdahan-dahan!” paangil na sabi ng ama

“Kasi nakaharang ka, Daddy,” nakangiting sagot ng anak.

Napatingin ang ama sa akin at napailing.

“Ang kulit!” sabi ng ama sa akin na para bang isinusumbong ang kakulitan ng bunsong anak na bumangga sa kanya.

Ngumiti lang ako. Nagpatuloy sa pagsasalita ang ama.

“Pero may mas makulit pa riyan sa aking bunso…”

“O, sino?”

“’Yun …” sabay nguso sa kanyang biyenang babae na nagwawalis sa may ‘di kalayuan ng tindahan.

“Mas makulit pala ang matanda kaysa bata” sabi ulit ng aking kausap.

Naalala ko ang kuwento tungkol sa tinutukoy na biyenan ng aking kausap. Palibhasa’y matanda na kaya ika-4 pa lang ng umaga ay gising na ang biyenang ito. Kapag gumising siya, gusto niya’y gigising na rin ang lahat ng tao sa kanilang bahay. Upang maiparamdam ng matanda ang pagka-asar kapag hindi pa rin gumigising ang kanyang mga kasama sa bahay ay nagdadabog ito. Ipinaghahampasan niya ang silya habang nagwawalis.

Nagsalita ulit ang aking kausap na para bang type na type niyang isiwalat ang asar na nadarama sa kanyang biyenan.

“Ako ang may-ari ng bahay pero ako ang nakikisama sa makulit na matandang ‘yan! Akala mo, siya ang may-ari ng bahay. Kung hindi lang alang-alang sa aking misis, gusto ko nang palayasin ang matandang ‘yan.”

Ang moral lesson diyan, sikaping magkaroon ka ng sariling bahay at sapat na inipong pera para pagtanda ay hindi ka  makikitira sa iyong mga anak. At saka kung marami kang pera, ikaw ang hahabulin at susuyuin ng iyong mga anak, manugang at mga apo. Sarap yata maging bida sa mata ng kapamilya.

vuukle comment

ANG BIYENANG MAKULIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with