^

Punto Mo

Lahat ng letra sa alpabeto, nai-type sa loob ng 7.44 seconds para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAITALA nito lamang nakaraang Hunyo 19, ang world record para sa pinakamabilis na pagti-text sa mundo sa Cannes, France.

Naitala ng public relations professional na si Rosie Baldwin ang bagong world record matapos ang dalawang araw na pagsasanay sa tulong ng isang Guiness World Records coach. Nagtayo kasi ng isang booth ang Guiness sa lugar para sa mga gustong sumubok sa pagtatala ng world record.

Naipamalas ni Baldwin sa kanyang coach ang kanyang bilis sa pagtipa sa keyboard ng isang smartphone kaya binigyan siya ng pagkakataon ng Guinness na sumubok para sa isang opisyal na world record attempt.

Upang makapagtala ng world record ay kailangang naka-off ang automatic na pagkumpleto ng mga salita na kadalasang feature ng mga smartphones ngayon. Kailangan din na walang mali sa ita-type at bawal din na sumobra ang espasyo sa bawat letra.

Nangamba si Baldwin na magiging hadlang ang kanyang dyslexia para makamit niya ang inaasam niyang world record ngunit sa huli ay nagawa niyang i-type ang lahat ng letra sa alpabeto sa loob lamang ng 7.44 segundo – na mas mabilis lamang ng .16 segundo sa dating world record.

Sa ngayon ay opisyal nang world record holder ang kanyang naitala ngunit mananatili ang Guinness sa Cannes hanggang matapos ang linggong ito kaya may pagkakataon pa ang iba na sumubok at mahigitan ang world record na kasusungkit lang ni Baldwin.

vuukle comment

ALPABETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with