^

Punto Mo

Tumakbo ka hanggang gusto mo pero ‘di ka makapagtatago sa BITAG

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ILANG taon nang namamayagpag ang BITAG-KP sa serbisyo publiko kaya alam kong alam n’yo kung paano kami trumabaho. Noon pa, layunin namin na magkaroon ng resulta ang bawat sumbong o reklamo na inilalapit sa amin.

Gagawa at gagawa kami ng paraan para matumbok at mahuli kung sino ang may kasalanan at hinding hindi namin hahayaan na manaig ang kasamaan sa kabutihan.

Tulad nitong reklamo na ipinaabot sa amin sa BITAG Headquarters, si Samson at Delilah naghabulan! Naalala n’yo ba si mister na nagmamadali lumabas ng motel dahil natiktikan ni misis na may kasamang gf?

Aba’y sa pagharurot ng sasakyan nabangga ang isang tricycle na may sakay na mga pasahero.  Take note mga boss, 5:30 ng madaling araw sa Norzagaray, Bulacan ito nangyari.

Si mister mukhang kating-kati at ‘di na nakapagpigil! Hindi sa sine-sensationalized namin ito o kung tawagin sa jargon ng media ay “salsal”, pinakikita lang namin ang hubo’t hubad na katotohanan.

Mismong hotel staff na ang nagsabi, kasama ni Mister Doktor ang kanyang kerida! Dito rin namin nalaman ang conduction sticker ng kanilang sasakyan.

Hindi lang sa misis niya walang konsensiya si Mister pati sa nabangga niya, iniwan ba naman at tinakbuhan talaga. Nagtamo ng pasa at nabugbog ang katawan ng mga pobreng biktima kaya agad lumapit sa amin!

Matapos mapanood ni Mister (na isa palang doctor) ang one-on-one interview ko sa mga iniwan niya sa ere agad sumulpot ang kanyang kaibigan (na isa ring doctor) bilang representative at nakipag-areglo! Malamang, wala siya mukhang maiharap sa ginawa niyang kalokohan. 

Matapos mag-usap ng dalawang panig, naibigay naman ang danyos perwisyo sa mga biktima. Kaya nagpapasalamat din kami sa Land Transportation Office at mga pulisya ng Bulacan sa pakikipagtulungang maisaayos ang reklamo.

Kayong mga may atraso sa kapwa, hindi n’yo basta matatakasan ang responsibilidad n’yo! Tatak ng BITAG na gumawa ng paraan para ma-trace kayong mga nanloko, nang-api at nang-abuso!

Takbo lang kayo, pero hindi kayo makapagtatago nang matagal dahil paliliitin ng BITAG ang inyong mga mundo.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with