^

Punto Mo

World record sa pagluluksong lubid, nasungkit ng elementary students sa Japan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAMALAS ng mga kabataan sa Japan ang kanilang galing sa pagluluksong lubid nang masungkit nila ang bagong world record para sa pinakamaraming nagawang lukso sa loob ng isang minuto.

Binubuo ang grupo ng mga elementary school students  sa Fuji City at nagawa nilang makalukso sa lubid ng 230 beses sa loob lamang ng 60 segundo.

Sa sobrang bilis ng kanilang paglukso ay aakalain ng mga manonood na lumulutang ang 12 mag-aaral sa ere habang pinapaikot ng dalawang babaeng estudante ang lubid. Sabay-sabay din ang kanilang mga paglundag kaya naman marami ang naaliw sa panonood ng kanilang world record attempt.

Ayon sa chairman ng Fuji Municipal Rope Skipping Association na si Naoyuki Nishisawa ay eksperto na talaga ang mga mag-aaral sa Fuji pagda­ting sa luksong lubid kaya hindi na dapat magulat sa kanilang nakamit.

Sa katunayan nga ay mga taga-Fuji City din ang pinalitan ng mga bagong world record holders. Limang lukso lamang ang naging lamang nila sa da­ting world record na naitala noon lamang isang taon.

vuukle comment

NAOYUKI NISHISAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with