^

Punto Mo

Matandang Tinali (139)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI itinuloy ni Dong ang pagtawag kay Joy.

Naisip niya, baka mayroong mahalagang ginagawa si Joy na hindi dapat maabala. Baka mayroon itong kausap na mga tao at kailangan ang privacy. Dapat igalang si Joy. Hahayaan niya ito. Siguro naman, kung nasa alanganin itong sitwasyon, ay kokontakin siya.

Pero naalala niya, hindi naman niya naibigay ang number dito. Si Joy lang ang nagbigay ng number.

Nag-isip si Dong.

Bahala na.

Lumipas pa ang dalawang araw. Hindi pa rin dumarating si Joy. Mukhang may problema nga ito.

Kailangang tawagan na niya.

Bahala na. Kukumustahin lang naman niya ito. Itatanong kung kailan uuwi.

Idinayal niya ang number nito.

Nag-ring.

Hinintay niya.

Ring lang nang ring.

Ayaw sagutin.

Itinigil niya ang pagtawag.

Mamaya na lang uli niya tatawagan. Baka nga busy sa ginagawa.

Pagkaraan ng dalawang oras ay muli niyang dinayal ang number.

Nag-ring uli.

Pero wala ring sumasagot.

Ring lang nang ring.

Ano kayang nangyayari kay Joy?

Hanggang sa maisip niya na lumuwas din ng Maynila. Pupuntahan niya ito!

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with