^

Punto Mo

EDITORYAL - Sungkaan ang maraming kalsada sa MM

Pang-masa
EDITORYAL - Sungkaan ang maraming kalsada sa MM

UMULAN na naman nang malakas kahapon ng hapon sa Metro Manila. Ilang kalsada ang lumubog sa baha. Bumaha sa Quezon Avenue at Biak-na-Bato sa Sto. Domingo, Quezon City. Bumaha rin sa may Araneta Avenue sa QC pa rin. Umapaw din ang baha sa Rizal Avenue, Dapitan at Gov. Forbes sa Maynila. Sa paligid ng C3 road, Monumento at bahagi ng EDSA sa Caloocan City ay mayroon ding pagbaha bagama’t nadadaanan naman ng mga sasakyan.

Ang nakadidismaya ay ang tanawin sa mga kalsada paghupa ng baha. Mistulang sungkaan ang mga ito dahil sa mga butas o lubak. Kapansin-pansin ang mga sungkaang kalsada sa Blumentritt St. at Gov. Forbes sa Maynila na para bang hindi na inaasikaso ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Natutulog ba ang DPWH?

Ngayong araw na ito ay uulan na naman ayon sa PAGASA dahil sa low pressure area. Mararanasan na naman ang malalakas na ulan na magdudulot ng baha. At lalong dadami ang mga butas-butas na kalye sa Metro Manila, particular na ang mga dinadaanan nang mala­laking truck. Tiyak na magiging sungkaan din ang C5 road at ang bahagi ng Mindanao Avenue sa Quezon City sapagkat ang mga ito ang ruta ng mga container truck.

Ang mga lubak-lubak na kalsada ang dahilan kaya nagkakaroon ng grabeng trapik. Iniiwasan ng mga motorista ang mga lubak at ito ang dahilan kaya may nagkakabuhul-buhol na mga sasakyan. Hindi makapagpabilis ang mga motorista dahil sa mga lubak.

Kailangang iprayoridad ng DPWH ang mga sira-sirang kalsada. Huwag hayaang lumaki pa ang butas sapagkat lalong lalaki ang problema. Kapag may lubak tiyak na mayroong trapik. Marami ring masisirang sasakyan dahil dito na dahilan din kaya naaantala ang biyahe.

Kailangang kumilos nang mabilis ang DPWH sa ganitong problema. Hindi dapat hintayin na magreklamo pa ang mga motorista sa lubak-lubak na kalsada.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with