^

Punto Mo

‘Swing’ sa NAIA customs arrival

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAGPIPISTA ang mga kurap na tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA lalo’t nagdaratingan ang mga eroplano from China dahil ang iba sa mga pasahero nitong tsekwa ay may nga dalang highly taxable goods.
Ang hasang ng mga kurap sa customs ay namamantikaan dahil ang mga kontrabando dala ng mga kliente nila ay hindi binabayaran ng buwis.

Sabi nga, swing!

Ang pera ay diretso sa bulsa ng mga kurap imbes sa tax revenue collection ng NAIA customs.

Bago umalis o dumating from China ang mga kliente ng mga kurap sa bureau ay tumatawag muna ang una sa kanilang kontak at pagkatapos ay iti-tiembre ito sa grupo ng mga gago kabilang na ang ilang nakatalaga sa customs scanner, CIIS, Customs police at ang dadaanang customs examiner para matiyak na hindi bubuksan ang epektos at hindi magkakaroon ng bulilyaso.
Sabi nga, basta may pera at naka-tiembre walang problema.
‘Patay malisya ang mga kurap sa customs para hindi dumami ang bibigyan.’

Sabi nga, pagkaunti ang nakakaalam maganda ang partihan pero pagdumami tiyak baryahan na lang. Hehehe!

Ang bigayan ng pera ay sa labas ng customs arrival may mga sumusunod sa kliente baka matakbuhan ang grupo ng mga kamote.

Mga mamahaling pagkain tulad ng peking duck, kalapati at iba pang assorted food, mga cellphone gadgets, ipad at electronic products ang mga dumarating, echetera.

Puera pa rito ang parating ng mga kliente nilang mga Koreano from Korea na assorted commodities ang ipinupuslit at ang mga Hapon from Japan bitbit ang mga iba’t-ibang klase ng pagkain hindi rin binabayaran ng buwis ang mga ito .

May sarili ring trabaho ang mga kurap na PAL employees na nagsasalya ng mga shipments ng mga smugglers.

Ang mga taga - animal quarantine ang dapat mag-monitor sa mga nangyayaring palusutan ng mga kalapati, peking duck at ibang kain-kain dahil wala itong permiso.

Dapat itong tiktikan para mahuli ang sindikato sa NAIA arrival terminal 1 and 2. Take note, BOC Commissioner Sid Lapena, Your Honor.

Sabi nga, itigil na, tama na!

Abangan.

• • • • • •

Happy Birthday, Atty. Biyong Garing

Senior citizen na si past NCR - E - Deputy District Grand Master VW Bro. Biyong Garing, dahil sa Sabado (June 23), ang magarbong birthday party nito sa Jollibee este mali sa Muntinlupa City pala.

Imbitado lahat ng mga brethren sa celebration ni Kuyang Biyong, dahil ang hindi pupunta ay magsisisi.

Bakit?

May masarap na putaheng ipapadila este mali ipapakain pala si Kuyang Biyong sa mga dadalo.

Sabi nga, tuklasin ang tsibog !

Lusubin na mga brethren ang birthday party ni Kuyang Biyong.

Ika nga, casual attire lang tayo.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with