^

Punto Mo

Año, Roque, magkaiba ang tema!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

IPINASARA ni Interior Sec. Eduardo Año kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang mga pasugalan sa bansa. Mukhang galit sa mahihirap si Año, ano mga kosa? Ang mga dating nakaupo sa DILG na sina Ronnie Puno at Joey Lina ay nag-utos din na ipasara ang jueteng at iba pang sugal noong kapanahunan nila subalit wala pang isang taon, nagbalikan din ang mga ito. Kung sabagay, noong panahon ng Hapon, anang mga kosa ko, pinagpapatay ng Hapones ang mga nahuhuling may hawak ng pulyetos sa akalang intelligence agents sila subalit nagsara ba ang sugal? Hindi, ‘di ba mga kosa? Kaya pag nagkataon na maipasara ni Año ang pasugalan sa bansa, puwede na siyang ipagpatayo ng rebulto sa Luneta, sa katabi mismo ni Rizal, dahil maituturing na nating modern hero siya, di ba mga kosa? Teka nga pala, baka naman ginaya lang ni Año ang modus operandi ng bagong opisyales ng PNP na Oplan Pagpapakilala? Hak hak hak! Ano sa tingin mo kosang Paul Gutierrez? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang mga mahihirap ang tatamaan ng direktiba ni Año kay Albayalde at ang masasabi ng mga kosa ko ay iba ang estilo ng una kay Atty. Harry Roque na ang tema ay ang magtanggol ng mga mahihirap at inaaping Pilipino. Alam kasi ng mga kosa ko na si Roque ang author ng Universal Health Care noong nasa Kongreso pa siya at siyempre, ang makikinabang dito ay ang mga mahihirap dahil sa libreng gamot at pagpapagamot. At para matiyak ang kalusugan ng mga mahihirap na estudyante sa elementary, isinulong din ni Roque ang panukalang libreng pananghalian sa public schools. Ang katwiran kasi ni Roque, kapag busog ang mga estudyante, makakapag-concentrate sila sa aralin tungo sa magandang academic foundation nila. ‘Di ba may kasabihan tayo na ang mga estudyante ang kinabukasan ng ating bansa? Kaya nasa tamang landas si Roque, di ba mga kosa? Hak hak hak! Puwede na bang maging senador si Roque? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Tiyak ‘yun!

Kung sabagay, marami pang achievements si Roque na magiging giya kung tama bang iluklok siyang senador. Alam ko naman mga kosa na masipag si Roque, hindi lang sa pagsulong ng mga batas sa Kongreso kundi maging sa pagtanggol ng mga inaapi at mahirap na mga Pinoy noong di pa siya pulitiko, di ba mga kosa? Noong Kongresista pa si Roque, isinulong niya ang libreng tuition sa mga estudyante ng state universities at colleges. Siya rin ang sumulat ng panukalang free irrigation para sa mga magsasaka tulad ng isinulong ni Agriculture Sec. Manny Piñol. Hehehe! Ang pinaka ni Roque ay ang pag-convict niya sa Amerikanong pumatay kay Jennifer Laude, na isang club entertainer sa Subic. Hak hak hak! Maka-Pilipino talaga si Roque, ano mga kosa? Ang huling isyu na pinagkaguluhan si Roque ay nang mag-present siya ng mga ating mga mangingisda sa TV dahil sa sigalot na dulot ng reklamo ng mga ito. Hinihingan daw ng magagandang isda ang ating mangingisda sa laot kapalit ng sigarilyo at kung anu-ano pang bagay na wala namang halaga. Ang tawag dito ni President Duterte ay barter na umani ng samu’t saring pasaring sa mga detractors niya. Kung sabagay, kapag may basbas ni Digong si Roque, tiyak papasok siya sa Magic 12 sa 2019 mid-term elections, di ba mga kosa! Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with