^

Punto Mo

Matandang Tinali (138)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, dinilig ni Dong ang mga tanim na gulay sa likod ng kubo. Natuwa siya nang makita na maraming bunga ang mga talong, kamatis at okra. Mga isang linggo pa at puwede nang pitasin ang mga ito. Pati ang mga kalabasa at patola ay marami ring bunga. Napansin din niya na marami mga talbos ang kamote. Puwede na ring anihin ang petsay at mustasa.

Puwede na pala siyang magbulanglang! Kumpleto na ang mga sangkap na gulay.

Pero ganahan naman kaya siyang kumain gayung wala si Joy. Mahirap kumain kapag nag-iisa. Nasanay na siyang laging kasabay sa pagkain si Joy.

Napahinga siya nang malalim.

Kailan kaya babalik si Joy para makapagluto ng bulanglang o kaya’y kare-kareng gulay. Natatandaan niya, gusto pala ni Joy ang kare-kareng sariwang gulay na may ginisang bagoong.

Baka naman isa o dalawang araw lang si Joy sa Maynila. Babalik din siguro agad iyon. Baka naman walang gaanong problema si Joy.

Ipinagpatuloy niya ang pagdidilig sa mga gulay.

Pero lumipas ang dalawang araw ay hindi dumating si Joy. Ano kayang nangyari?

Mukhang may problema.

Nang mag-ikatlong araw at wala pa rin si Joy, ipinasya ni Dong na tawagan ito.

Pero nag-aatubili siya kung tatawagan o hindi si Joy.

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with