^

Punto Mo

Australian artist, 3 araw ibinaon ang sarili sa ilalim ng kalsada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGAWANG mabuhay ng isang artist matapos niyang ibaon ang sarili ng tatlong araw sa ilalim ng isang mataong kalsada sa isla ng Tasmania sa Australia.

Nagsilbing “kabaong”ng 73 anyos na si Mike Parr ang isang maliit na shipping container bago siya “inili-bing” sa ilalim ng isang kalsada. Sinemento pa ang iba­baw ng container matapos itong maibaon.

May nakakabit namang tubo sa container upang daa-nan ng hangin. Maari ring pindutin ni Parr ang isang button kung sakaling sa tingin niya ay nasa panganib siya. Wala nga lang pagkain sa loob ng container at tanging tubig lang ang mayroon siya.

Matapos ang 72 oras na pagkakabaon ay umahon na si Parr nito lamang Linggo mula sa kanyang pagkakali-bing na nasa mabuting kalagayan.

Hindi ito ang kauna-unahang stunt na isiginawa ni Parr na nakapukaw ng atensiyon ng publiko. Minsan na kasi niyang sinilaban ang kanyang sari­li at may isa pang pagkakataon na tinahi niya mismo ang kanyang mukha.

vuukle comment

MIKE PARR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with