^

Punto Mo

Mga raket at sindikato, paki tokhang!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI pa nauubos ang mga suwitik na raketero na bumibiktima ng kapwa tao na nakikipagbuno sa hirap ng buhay. Sa hanay ng mga kilabot na mga switik ay nangunguna ang towing trucks na gumagala at nangingikil sa lumalabag sa reglamento ng trapiko, kahit peke ang accreditation markings sa mga truck nito. Pumapangalawa ang raket ng mga barangay sa illegal vendors at tricycle terminals na umuukopa sa mga bangketa lalo na sa paligid ng mga palengke. Naghihingalo na ang public markets dahil sa mga mall, kinukulata pa ng mga buhong na mga gagong barangay tambay na pakawala ni kapitan dugas. Pakiayos nga po DILG Usec. Martin Diño?

• • • • • •

Raket ng malls

Karamihan sa malls ay lumalamon  ng mga kalsada ng publiko at pinagaganda lamang para magmistulang tulong sa gobyerno sa pagpapaayos ng daanan, pero maliwanag na raket ang pagpapabayad ng parking slots  sa mga namimili sa kanila. May kutsabahan din malamang sa city hall ang mga loko. Mapapansin din ang mga U-turn slots at traffic re-routings na pumapabor sa mga malls kahit nagiging sanhi ng malalang trapik. Dapat magpatupad ng 50 meter setbacks o mahigit pa, sa mga mall constructions para sa benepisyo ng mga susunod na henerasyon. Tama po ba Mayor?

• • • • • •

On-line racket sa facebook

Maraming nagbebenta ng sari-saring produkto at serbisyo gamit ang internet na napalalawak  sa pamamagitan ng facebook. May mga hackers na tinatarget ang account na mga  kilalang tao at institusyon para gamitin ito. Karaniwan nang ginagamit ang litrato ng batang musmos na biktima ng giyera, lindol at baha para mas nakaka-awa nga naman.

Nagagamit din ito sa illegal drugs transaction at prostitutions na sa kalaunan ay nauuwi sa blackmailing at extortions. May mga foreigners na operators ng mga ganitong sindikato ang nahuli na ng NBI. May  raket din nang mga nagpapakilalang religious at charitable institutions na nangangalap ng pondo para sa mga maysakit na mga bata, na gumagamit pa ng litrato at video para makakuha ng simpatiya ng mga lolokohin nila. Dapat sa mga ungas na ganito ay bitayin agad. Pwe!

• • • • • •

Employment agency rackets

Nagkalat din ang extortionists na mga employment agency na magpapaskel sa mga poste ng job opennings sa Metro Manila, partikular sa EDSA, Quezon Blvd, Aurora Blvd, Cubao at Rizal Avenue, kung saan ay may pedestrian bridges at kapag binasa, biglang may a-appear na bugaw at dadalhin kunwari sa opisina nila at doon ay sisingilin ng application fees at employment bonds at sasabihing refundable daw at kapag nakitang may alahas, relo o cell phone, haharbatin ito. Hindi kaya mga adik ang mga hinayupak? Paki tokhang nga po!

vuukle comment

MARTIN DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with