^

Punto Mo

Matandang Tinali (137)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGSAPIT ng alas singko ng hapon, ipinasya ni Dong na magtungo sa kubo ni Joy. Doon siya matutulog para bantayan ang kubo. Ipinangako niya iyon kay Joy nang ihatid sa bus station.

Habang naglalakad patungo sa kubo ni Joy ay nag-iisip na naman siya kung bakit agad-agad itong nagtungo sa Maynila. Ano kaya ang problema? Mukhang mabigat dahil kapansin-pansin ang pagkaseryoso ni Joy nang ihatid niya. Masayahin si Joy kapag kausap.

Nahiling ni Dong na sana naman ay walang mabigat na problema si Joy.

Nang makapasok ng kubo, napansin ni Dong na may mga nakakalat na damit sa sahig. Pinulot niya. Dahil siguro sa pagmamadali kaya hindi na nailigpit ni Joy.

Naghugas siya ng kalderong pagsasaingan. Marami namang iluluto dahil kumpleto sa supply si Joy. Maraming corned beef at mga sardinas.

Corned beef na lang ang iluluto niyang ulam.

Nang makaluto, kumain na siya.

Isinara ang mga bintana at naglatag sa sahig para makahiga. Inaantok na siya.

Pero nang nakahiga na, hindi naman siya makatulog.

Naisip muli niya si Joy.

Ano kayang nangyari?

Tawagan kaya niya?

Pero pinigil niya ang sarili.

Hanggang sa makatulugan niya ang pag-iisip kay Joy. (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with