^

Punto Mo

Ulo ng 19-anyos na babae sa Minnesota, naipit sa tambutso ng truck!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINAILANGAN ang tulong ng mga bumbero sa Minnesota matapos isang babae roon ang naisipang ipasok ang kanyang ulo sa malaking tambutso ng truck.

Ini-enjoy ng 19 anyos na si Kaitlyn Strom ang Winstock Country Music Festival nang mapadaan siya sa isang truck na may napakalaking tambutso.

Sa sobrang pagkamangha niya sa laki ng tambutso ay ipinasok niya ang kanyang ulo sa loob nito. Nagkasya naman ang ulo ni Strom ngunit hindi na niya ito magawang mailabas.

Nasa 45 minuto ring nagpumilit si Strom na mailabas ang kanyang ulo mula sa tambutso bago tumawag sa bumbero ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Rumesponde naman ang mga taga-Winsted Fire Department na nagpasyang putulin na lang ang tambutso upang makawala ang naipit na ulo ni Strom.

Nakunan ng video si Strom habang nakaipit ang kanyang ulo sa tambutso at habang sinasaklolohan na siya ng mga bumbero. Mabilis na nag-viral ang video sa Facebook, kung saan mayroon na itong 1.3 milyong views at 3,500 likes at reactions.

Humingi naman ng paumanhin si Strom sa may-ari ng truck na si Tom Wold para sa pinsalang idinulot ng pagkakaipit ng kanyang ulo. Pinawi naman ni Wold ang anumang pag-aalala ni Strom at nagsabing ang mahalaga ay nasa maayos na kalagayan ang teenager. Hindi rin niya siningil ng kahit anong halaga si Strom para sa nasira niyang tambutso.

vuukle comment

WINSTOCK COUNTRY MUSIC FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with