^

Punto Mo

Lusob-bahay ng BITAG-Kilos Pronto

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SIKAT na sikat ang segment na “Sugod-Bahay” ng numero unong noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. Bukod sa marami nang natutulungan, talaga namang kasiyahan ang hatid ng programa.

Pero may mga putok sa buhong hindi deserving sa mga ganitong pagpapala. Kung ikaw ay isang abusado, mayabang, siga at mahilig sa kapwa, lusob-bahay ng Bitag-Kilos Pronto ang katapat mo.

Katulad nitong nakaraang huwebes na nagsumbong sa amin. Si Lolo’t Lola, isinusumbong ang kanilang adik daw na anak-anakan, sa sobrang barumbado raw nito ay sumuko na ang kanilang barangay.

Samakatuwid, ginamit pa nga raw ang address ng kanilang bahay sa sugod-bahay ng Eat Bulaga kung saan nanalo ang asawa ng kumag. Tumataginting na P100,000 daw ang napanalunan ng mag-asawa mula sa Eat Bulaga.

Linawin natin, hindi humihingi ng balato o pera sina lolo’t lola. Ang pakiusap nila sa anak-anakan, dahil nabigyan na sila nang malaking pera ng programa ay bumukod na ng kanilang bahay.

Dahil nga sa laging lasing, bastos at barumbado ang anak-anakan ay ayaw na nila itong makasama sa bahay. Ako mismo, nakita ko kung gano kapiranggot ang bahay nila lola.

Maysakit sa puso na nga ang matanda, wala pang pumapasok na hangin sa bahay dahil tinayuan pa ng kuwarto na halos nasa kalsada na ng kanyang anak-anakan at pamilya nito.

Ang siste, imbes sumunod sa mga nagpalaki sa kanya, nagbanta pa ang hinayupak na susunugin ang bahay ng matanda kapag pinilit silang paalisin.

Pagkatapos manalo ng premyo aba’y nagmamatigas pa lalo, babarilin daw ang dalawang matanda. O, di kinabukasan, ikinasa namin ang “lusob-bahay” operation ng BITAG-Kilos Pronto.

Matigas talaga ang mukha ni kolokoy eh, siya raw ang pinagtutulungan ng dalawang matanda. Anak ng kagaw, sa laki ng katawan ay siya pa ang lumalabas na inapi. Mismong mga kapitbahay niyang nakiusyoso sa kumprontasyon namin, nagsasabing siga raw ito sa kanilang barangay.

Simple lang naman ang mensahe ko, kung ayaw niyang lumayas sa poder ng dalawang matanda, matuto siyang gumalang. Tanawin lang ang utang na loob ng pagpapalaki sa kanya.

Kapag bumalik si Lolo’t Lola sa aming tanggapan, babalikan ko rin siya at may sorpresang papatayan ko siya ng camera.

Hindi ako nananakot, nagpapakatotoo lang. Hindi ko kinukunsinti ang mapang-abuso, siga, at mga putok sa buhong walang hiyang binabalahura ang mga magulang. Sabi nga sa ika-limang utos ng Diyos, “honor your father and your mother”.

vuukle comment

SUGOD-BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with