^

Punto Mo

Restaurant sa China, nagsara matapos magpa-‘eat-all-you-can’promo ng 2 linggo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BANKAROTE ang isang restaurant sa China sa loob lamang ng dalawang linggo matapos itong mag-alok ng eat-all-you-can sa mga parokyano nito.

Sinamantala ng customers ang promo ng Jiamener hotpot restaurant sa Sichuan Province lalo na’t may kamurahan ito sa presyo nitong 120 yuan (katumbas ng P1,000).

Kaya naman hindi na nakapagtatakang lubhang pumatok sa publiko ang promo ng restaurant. Alas otso pa lang ng umaga ay may pumipila na para mag eat-all-you-can sa restaurant at mayroong mga hindi umaalis hanggang mag-hatinggabi. Tinatayang nasa 300 customers ang dumadayo sa restaurant araw-araw mula nang simulan ang promo.

Ngunit sa kabila ng mainit na pagtangkilik ng mga tao sa kanilang promo ay nakasama pa sa restaurant ang kanilang naging gimik dahil sa huli ay iyon pa ang naging dahilan ng kanilang pagkalugi.

Noong Hunyo 1 nagsimula ang promo ng restaurant at matapos ang wala pang dalawang linggo ay kinaila-ngan nang magsara ng nasabing restaurant matapos itong mabaon sa 500,000 yuan (P4 million) na utang.

Ayon sa isa sa mga may-ari ng restaurant ay sinadya nilang murahan ang kanilang promo. Ang layunin kasi nila ay ang maparami nila ang kanilang mga loyal na customers. Gusto rin sana nilang makamura sa kanilang mga suppliers kung makikita ng mga ito na marami ang kanilang kakailanganing mga sahog at materyales dahil sa dami ng kanilang mga customers.

Aminado naman ang pamunuan ng restaurant na bukod sa pananamantala ng mga customers ay dahil na rin sa kanilang maling pamamahala kaya sila nalugi.

vuukle comment

JIAMENER HOTPOT RESTAURANT

RESTAURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with