^

Punto Mo

Matandang Tinali (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAKABAIT ni Dong! Napakasuwerte ng ba­baing mamahalin nito!

Iyon pa rin ang nasa isipan ni Joy kinagabihan na matutulog na siya. Laman pa rin ng isip niya ang ginawang pagliligtas sa kanya ni Dong sa mabagsik na kobra na tutuklaw sa kanya. Kung hindi dahil kay Dong ay baka natuklaw na nga siya ng kobra at nalagay sa alanganin ang buhay. Pinahanga siya ni Dong na matapang na hinarap ang mabagsik na kobra. Sa isang iglap, nawala ang kobra at nawala rin ang takot niya.

Ikalawang beses na siyang natutulungan ni Dong. Una ay nang nilalagnat siya. Matiyaga siyang binantayan nito. Ipinagluto ng sopas at matiyaga siyang sinubuan. At para lalong bumaba ang lagnat, pinunasan pa siya. Hindi umalis sa tabi niya hangga’t hindi humuhupa ang kanyang lagnat. Napakabait at napakabuti ni Dong.

Sa panahon ngayon, bihira na ang katulad ni Dong. Mabibilang na ang mga lala­king may busilak na kalooban at handang tumulong.

Bukod pa roon, napakamatulungin din ni Dong. Pati ang pagtatanim sa likod ng kubo ay siya rin ang gumawa. Napakabait talaga ni Dong.

At hindi ito naghihintay ng kapalit.

Nakatulugan niya ang pag-iisip kay Dong.

KINABUKASAN, nakatanggap siya ng text mula sa Maynila. Pinauuwi siya dahil may problema. Ang kanyang katiwala ang nag-text. Kailangang makauwi agad siya.

Nag-empake siya ng damit.

Nang dumating si Dong. Sinabi niya na uuwi siya sa Maynila.

‘‘May nag-text sa akin, kailangang umuwi ako ngayon din. Mahalaga Dong.’’

“Ihahatid kita sa bus station.’’

“Salamat Dong.’’

Lumakad na sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with