^

Punto Mo

Brgy. officials, pakilusin vs mga tambay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matapos na ipag-utos ni Pangulong Digong na pagdadamputin ang mga tambay sa lansangan lalu na nga sa gabi, ayan na nga at nagsimula na ang ‘crackdown’ sa mga ito base na rin sa mga ipinatutupad na ordinansa sa mga lungsod at pamahalaang lokal.

Ang totoo matagal na ang ganitong mga ordinansa sa ilang lugar lalu na sa Metro Manila pero mukhang ngayon lang natututukan kung hindi pa nga ipag-utos ng Pangulo.

Mistulang dito rin kasi ang pinagmumulan ng mga krimen sa magdamag.

Inuman sa labas ng bahay kapag mga lasing na doon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng mga nag-iinuman, dyan din halos nagaganap na mangungursunada ng mga taong nagdadaan lang, yung iba naman natatakot nang dumaan sa kanilang tapat baka sila ang makatuwaan ng mga nag-iinuman.

Eh sino ba naman ang hindi matatakot kung ang makikita mo mga nakahubad na may kaharap pang alak sa lamesa sa gitna pa talaga ng daan nag-iingay.

Madalas kapag nasa ilalim na ng espiritu ng alak, dyan ka na makakarinig ng sigawan, basagan ng bote at iba pa,  pati natutulog nabubulabog sa gulo at ingay na dulot ng mga ito.

Yung iba naman, may inom na may kasama pang sugal.

Wala sa ayos, ika nga.

Sa mga nakalipas na gabi ng  operasyon daan-daang katao na ang pinagdadampot sa lungsod ng Maynila at Quezon na dito kapwa may ordinansa na ipinatutupad tungkol sa mga tambay.

Sa mga pinaghuhuli, ayun natiyempuhan na may mga rekord, nakasamsam ng mga patalim at iba pa. Tambay na nga magdadala pa ng armas, eh di talagang handa ang mga ito na masangkot sa anumang krimen o karahasan.

Kailangan bang pati sa tambay ang ating kapulisan ang kikilos na dapat sana ay trabaho ito ng mga barangay officials.

Hindi na nga yata nagpapatrulya ang mga nasa barangay at inaasa na sa kapulisan ang lahat Hindi na nakikita ang mga tanod na may bitbit na baston na iniikot ang kanilang barangay. Panlaban din ito sa krimen kung masusumpungang may mga nag-iikot na tanod.

Bakit kaya parang mas hirap sila na sila ang sumaway sa kanilang mga nasasakupan kaya namimihasa.

Isipan pang sila ang nakakakilala kung sino  ang lehitimong residente sa lugar at kung sino ang mga dayo lang.

Dapat sa ganitong mga ordinansa ang imobilisa nang husto eh mga tauhan sa barangay.

Panahon na para kumilos at makatulong sa paglaban sa krimen ang barangay at huwag iasa lahat sa kapulisan.

Pwera na lang kung sila ang promutor sa inuman sa lansangan.

vuukle comment

TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with