Kadamay, pasaway!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Eto, umeeksena na naman ang mga pasaway na Ka-damay, baka nga naman muling makalusot at mapagbigyan kaya ayun muling sumalakay.

Aba’y bigla-bigla na lamang nagsulputan ang mga ito sa isang housing project ng pamahalaan para sa mga pulis at sundalo  sa Brgy. San Isidro sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Gaya ng kanilang modus sama-samang lulusob at walang sabi-sabing ookupahin ang mga unit na kanilang sapilitang pinapasok kahit na nga meron nang nagmamay-ari.

Ang tindi talaga ng mga ito, namimihasa at abuso talaga.

Mistulang ayaw mahirapan at gusto na lang mangamkam.

Akala yata eh, maaawa na naman sa kanila at pagbibigyan ang kanilang modus.

Minsan na kasing napagbigyan ng Pangulo nang lusubin nila at okopahin ang mga housing unit noon sa Pandi, Bulacan. Aba ngayo’y gusto na namang umulit.

Mukhang hindi na naaawa sa mga ito ang ating mga kababayan, wala na rin halos simpatiya na nakukuha, ang totoo marami na ang naiinis sa inaasal ng mga ito.

Marami rin namang mga mahihirap o kapuspalad pero nakikita mong nagsisikap, pilit na iniraraos ang kanilang pamilya, nagsisikap na maghulog para sa pabahay at hindi basta na lang mangangamkam.

Nabuko rin na ilan sa mga ito ay nabigyan na ng matutuluyan, kaya lang kadalasan ang ilan  ibinebenta o kaya ay pinapaupahan tapos sasabihin na wala silang matirhan. Tapos sisisihin ang gobyerno.

Dapat masilip na baka may gumagamit na lamang sa mga ito para lumikha ng senaryo. Ito ang dapat na matutukan.

HOUSING PROJECT
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with