^

Punto Mo

Dapat bang ipa-checkup ang pananakit ng ulo?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KARAMIHAN sa atin ay kadalasang nakararanas ng pana-nakit ng ulo.

May pananakit ng ulo na kaugnay ng pagbabago ng grado ng mata kung kaya’t kailangang magsalamin na. Isang optometrist ang kukumpirma kung mayroon na tayong nearsightedness o malinaw lamang nating nakikita ang mga bagay na malalapit sa atin kung kaya’t blurred na ang mga bagay na malalayo o kaya’y nagdidikit-dikit na ang mga letra kapag tiningnan ito sa malayo.

May pananakit ng ulo na may kaugnayan sa migraine. Dito ay nakakaramdam ng aura o mga sintoma ng paparating na migraine headache gaya ng pagkakita ng mga flashes of light o parang mga zigzag. Susundan ito ng pananakit ng ulo na kadalasang isang side lamang ng ulo ang apektado. Ang tindi ng sakit ay inilalarawang “moderate hanggang severe” na sinasabing may “pulsating quality” o parang pumipintig. At ang sakit ay lalo pang lumalala kapag hindi ito ipinahinga at kailangan pang magtrabaho. Nakararanas din ang pasyente ng pagduduwal o aktuwal na pagsusuka at waring naiirita sa labis na liwanag at ingay sa paligid kung kaya’t mas gusto nilang nag-iisa lamang sa isang madilim, tahimik, at malamig na kuwarto.

Pinaka-karaniwan naman sa lahat ng klase ng pananakit ng ulo ay ang tinatawag na Tension-type headache kung saan ang pananakit ng ulo ay nararamdaman sa magkabilang panig ng ulo. Ang kirot nito ay maihahalintulad sa parang dinidiinan o parang may band na nakapaligid sa ulo at hinihigpitan ang band na ito. Kadalasan, may kaakibat ito na pananakit sa mga kalamnan sa panga, leeg, anit, at balikat. Puwede ring naiirita sa liwanag o kaya’y sa ingay (pero hindi sa pareho). Maituturing na harmless naman ang uring ito ng headache.

Pero hindi naman nangangahulugan na hindi na tayo dapat nagpapa-checkup sa doktor kung madalas tayong nakararanas ng pananakit ng ulo. Tandaan natin na may kaso rin ng “aneurysm” kung saan ay basta na lamang may pumuputok na bahagi ng arteryang ugat sa ugat. Isa itong medical emergency. Isipin n’yo ang kaso ng celebrity na si Isabel Granada na basta na lamang binawian ng buhay nang minsang makaranas ng pananakit ng ulo habang nasa Middle East.

Heto ang ilang pagkakataon na data ay isangguni natin sa doktor ang nararamdaman nating headache at baka kung ano na ito:

Kung regular na nakararanas ng pananakit ng ulo sa loob ng 2 o higit pang pagkakataon sa loob ng isang buwan.

Kung napansing tumitindi ang pagsakit ng ulo o kung mas nagiging madalas

Kung hindi na umeepekto ang iniinom na over-the-counter na gamot sa nararanasang pananakit ng ulo. O kung wala na ring bisa ang pahinga para mapayapa ang kirot.  

Kung may kaakibat pang ibang sintoma ang iyong pananakit ng ulo gaya ng pagduduwal o pagsusuka, paglabo ng paningin, pagkahilo, matinding pagkairita sa liwanag at ingay, o panghihinga ng mga kalamnan ng katawan kaakibat ng pananakit ng ulo.

Kung naging napakatindi ng naranasang headache na maaari mong mailarawan na parang ito ang pinakamatinding pananakt ng ulo na naranasan mo sa buong buhay mo.

-oooooo-              

Binabati ko ang aking kaibigan na si Jho Mark Nicdao Lapira ng Mandaluyong City na kasalukuyang nagbabakasyon sa bansa mula sa kanyang pagtatrabaho sa Dubai, UAE. Dati siyang empleyado ng Asian Institute of Management sa Makati City. Advance happy birthday din sa iyo, JM, sa June 24.

vuukle comment

PANANAKIT NG ULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with