^

Punto Mo

10 maliliit na bagay na nakakapagpa-feeling mayaman

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa
  1. Kapag napakalinis at napakaayos ng iyong bahay.
  2. May garden ka, kahit maliit pero puno ng magagandang halaman.
  3. Kahit magpapa-blower lang ng buhok, dumadayo ka sa parlor dahil mas mainam na isang professional ang gumawa nito para sa iyo.
  4. May nakadispley na fresh flowers sa iyong salas. Hindi lang nakakaganda ng salas ang mga bulaklak kundi nakakaginhawa ng isipan at kaluluwa.
  5. Sa halip na mamalengke sa nagpuputik na public market, doon ka namimili sa malaking supermarket, organize na ang mga paninda, walang mataray na tindera, walang putik na maniningit sa iyong naka-pedicure na kuko at tama sa timbang ang lahat ng bibilhin mo.
  6. Magbakasyon sa isang resort sa probinsiya o kung may kaunting budget, sa abroad.
  7. Knowledge. Nakaka-feeling mayaman kung sa pakikipagkuwentuhan mo sa ibang tao ay marami kang alam. Basta’t palabasa, hindi mo kailangan ang PhD level na edukasyon.
  8. Meditation. Araw-araw mag-meditate ng ilang minuto.Ayon sa pag-aaral, ang meditation ay nakakatulong upang maiwasan ang pagiging balisa, depresyon at nakakatulong na matanggal ang hika. Nagdudulot ito ng positive feeling kagaya ng pagiging kuntento sa buhay.
  9. Sisimulan mo ang iyong umaga ng masarap na timpla ng kape at isang masaganang almusal — egg, fried rice, bistik, inihaw na bangus. Plus basa ng diyaryo pagkatapos kumain.
  10. Kumakain kayo ng almusal na pulos nakapaligo at nakabihis nang maayos. Nakaka-feeling mayaman yun. Kaysa may muta pa at hindi pa nagmumumog pero bumabalandra na sa dining table. Pang-poor ang mga ganoong istilo.

MAYAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with